Tama ba mother ko?

Mga mommies, tama ba ang mother ko? Nagtitingin kasi ako ng mga onesies for new born yung colored and komontra ang mother ko na wag muna daw ako bumili hanggat wala pa si baby. Isa pa daw, mas magandang white muna suotin ni baby for 1 month bago siya mag colored. And about sa onesies, wag muna daw ako bibili hanggat di pa namin alam kung mabilis ba lumaki si baby. Baka daw bumili ako ng 0-3 months pero baka ilang beses lang magagamit. Actually wala pa kasi ako nabibiling kahit anong damit para kay baby except sa mga personal hygienes niya. May barubaruan na din siya pero galing sa MIL ko na ginawa niya. Di ko na po alam ano ba dapat ko gawin or pwede bilhin para kay baby. May crib and stroller na din po kasi kami galing sa cousin ko. โ˜น๏ธ

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama naman po sya mommy, danas ko po yan sa panganay ko sa sobrang excited ko ang dami ko pong pinamili na mga damit puro branded pa ang ending pag labas ni baby saglit nya lang nagamit kasi ang bilis lang nyang lumaki. Ayun hindi nasulit yung mga damit. Tsaka mas better po talaga sa newborn ang mga baru baruan lang muna para hindi rin po mahirapan si baby kapag binihisan. Ngayon po sa 2nd ko tig 6pcs lang po ang binili ko (6pcs sando, longsleeves etc.) Saka nalang po ako bibili kapag lumabas na sya๐Ÿ˜Š

Magbasa pa