Tama ba mother ko?

Mga mommies, tama ba ang mother ko? Nagtitingin kasi ako ng mga onesies for new born yung colored and komontra ang mother ko na wag muna daw ako bumili hanggat wala pa si baby. Isa pa daw, mas magandang white muna suotin ni baby for 1 month bago siya mag colored. And about sa onesies, wag muna daw ako bibili hanggat di pa namin alam kung mabilis ba lumaki si baby. Baka daw bumili ako ng 0-3 months pero baka ilang beses lang magagamit. Actually wala pa kasi ako nabibiling kahit anong damit para kay baby except sa mga personal hygienes niya. May barubaruan na din siya pero galing sa MIL ko na ginawa niya. Di ko na po alam ano ba dapat ko gawin or pwede bilhin para kay baby. May crib and stroller na din po kasi kami galing sa cousin ko. ☹️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede ka sis bumili ng 3-6 or 6-9 months na agad. 😊 wag kana bumili ng 0-3. Eto advice sakin ng mga friends ko na may anak na, 1st few weeks or 1 month daw kasi halos puro barubaruan lang sinusuot w/c is mas madali kasing isuot sa newborn or until kasya pa sa mga baby nila yung barubaruan. Kaya yung mga 0-3 months nila hindi na halos nagamit. Kaya opt for bigger size na agad para sigurado and mas matagal magamit ng baby mo. Sa mga colored clothes naman, ok lang din pero mas ok kasi light colors or white, just in case may mga insect din like langgam, mas mabilis mo makita pag puti ang damit. 😊

Magbasa pa

Ako po first time mom din. We're living here sa parents side ko for now kasi dito po ako sa province manganak. Mostly po sa onsies na binili ko nung nag 6.6. sale is 3mos above. Then for the whites naman na baru-baruan, onti lang po binili ko since mabilis nga po lumaki mga babies ngayon. 😊 ayaw din po ng Mom ko ng colored kaya karamihan po sa binili ko is white pero with small prints and light colors. Pero depende parin po sa gusto mo, Mommy. Baby mo nanan po yun. Explain mo nalang din sa mom mo para iwas samaan ng loob. Hehe 😊

Magbasa pa

Tama naman po sya mommy, danas ko po yan sa panganay ko sa sobrang excited ko ang dami ko pong pinamili na mga damit puro branded pa ang ending pag labas ni baby saglit nya lang nagamit kasi ang bilis lang nyang lumaki. Ayun hindi nasulit yung mga damit. Tsaka mas better po talaga sa newborn ang mga baru baruan lang muna para hindi rin po mahirapan si baby kapag binihisan. Ngayon po sa 2nd ko tig 6pcs lang po ang binili ko (6pcs sando, longsleeves etc.) Saka nalang po ako bibili kapag lumabas na sya😊

Magbasa pa

may point si MIL mo sis, mabilis pagliitan ang newborn clothes. although nakabili na kami ng mga damit ni baby, pero konting pairs ng mga white na baru-baruan lang para may masuot na sya paglabas nya. saka ko na sya ibibili ng super cute baby clothes pag nakita ko na actual size nya. 🤗 pero nasa sayo din naman yan mamsh kung gusto mo na bumili ng mga damit. ang point kasi ni mil mo, sayang nga naman yung mga damit kung konting beses lang masusuot ni baby.

Magbasa pa
4y ago

Mother ko po sis hindi si mil 😄 pero salamat po sa sinabi niyo 😊

White muna talaga momsh ang gamit ni baby tska na yung colored pag nearly a year na sia tska wag ka muna bumili ng marami kasi sayang talaga, malalakihan agad, barubaruan mona kahit ilang pcs lang kahit tig tatatlo kada baru baruan ok na, yung onesie kahit nasa tatlo o apat lang din. Baru baruan talaga ang pinaka useful sa baby, sa onesie kasi pag medyo lumalaki nayan like a year.

Magbasa pa
VIP Member

Kahit pang newborn lang na mga damit sis yung 0 to 3 months. And advice din sa akin dapat ready na mga gamit pag 7 months in case of emergency. Ako di ko pa din alam gender ng baby ko kaya binibili ko puro white pa including na yung onesies and frogsuits or yung neutral colors pero konti lang kasi ang bilis daw lumaki ni baby. Wag mo lang damihan ng bili.

Magbasa pa

mas okey yung white muna presko at mukang malinis tignan about naman sa onesies pwede ka bumili pero wag madami mabilis kase lumaki bata ngaun tama naman sila masasayang kung makakaliitan agad ako wala talaga ko binili onesies kase mabilis naman bumili ngaun mas better kung hintayin mo na sya lumabas

Magbasa pa

Okie lang naman po ang coloured na damit..kaya lang mas advisable yung white para makita agad kung may insect na gumagapang sa damit ni baby..at pratical lang po si mother ninyo baka iniisip nya sayang kung saglit lang magagamit..pero kung mag aanak po kau ulet at magagamit pa ok lang po yun

May point naman si mommy mo, pag puti kasi madaling makita kapag may gumagapang na insekto kay baby not unlike yung colored ones. Tpos yung 0-3 months konti lng bilhin mo, kasi saglit lang talaga nya yang maisusuot. Bili k na lng ulit kapag alam mong maliliitan nya na yung mga damit nya.

Mas maganda kasi tingnan si baby kung white lagi suot nya. Mukha syang malinis at mabango lagi. regarding sa onesies for new born, ok lang naman bumili ka wag mo lang dadamihan kadi mabilis nya lang kakalakihan yun... ako kadi bumili din ako 2 pcs lang the rest puro gift lang.