Tama ba mother ko?

Mga mommies, tama ba ang mother ko? Nagtitingin kasi ako ng mga onesies for new born yung colored and komontra ang mother ko na wag muna daw ako bumili hanggat wala pa si baby. Isa pa daw, mas magandang white muna suotin ni baby for 1 month bago siya mag colored. And about sa onesies, wag muna daw ako bibili hanggat di pa namin alam kung mabilis ba lumaki si baby. Baka daw bumili ako ng 0-3 months pero baka ilang beses lang magagamit. Actually wala pa kasi ako nabibiling kahit anong damit para kay baby except sa mga personal hygienes niya. May barubaruan na din siya pero galing sa MIL ko na ginawa niya. Di ko na po alam ano ba dapat ko gawin or pwede bilhin para kay baby. May crib and stroller na din po kasi kami galing sa cousin ko. ☹️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede ka sis bumili ng 3-6 or 6-9 months na agad. 😊 wag kana bumili ng 0-3. Eto advice sakin ng mga friends ko na may anak na, 1st few weeks or 1 month daw kasi halos puro barubaruan lang sinusuot w/c is mas madali kasing isuot sa newborn or until kasya pa sa mga baby nila yung barubaruan. Kaya yung mga 0-3 months nila hindi na halos nagamit. Kaya opt for bigger size na agad para sigurado and mas matagal magamit ng baby mo. Sa mga colored clothes naman, ok lang din pero mas ok kasi light colors or white, just in case may mga insect din like langgam, mas mabilis mo makita pag puti ang damit. 😊

Magbasa pa