Random
Mga mommies, sino po sainyo ang hindi okay ang relationship sa mother-in-law? Hindi kasi kami okay ng MIL ko. Akala ko okay kami noong andun ako sakanila nung buntis pa ako. Akala ko okay ako sakanila nung time na magboyfriend palang kami ng anak nya. Pero hindi nya pala ako tanggap una palang daw. Ano mararamdaman mo pag narinig mo yun? Share naman po kayo ng mga ginawa nyu or naging reaksyon nyu. Maraming salamat.
Masakit marinig yun pero wag na wag kang sasagot. Hayaan mo lang sya. Ang mahalaga, okay kayo ng anak nya. Normal na ayaw satin ng mga byenan natin kasi possessive sila sa mga anak nila. Pero wala naman silang magagawa if makita nila na masaya yung anak nila sa atin. Be civil na lang with them. Nevermind what they say about you. As long as hindi affected ang pananaw sayo ng husband mo, then nothing to worry about. Kayo naman ng asawa mo magsasama habang buhay eh.
Magbasa panako sis. mabait pa yang MIL mo hahaha. kung maririnig mo lang ang story ko nako. magagalit ka. sa sobrang pagtitimpi ko at hindi ko mai express yung galit ko dahil respeto sa matanda respeto kasi may magulang ako respeto kasi nanay ng asawa ko umabot ako sa point na pinagtitirik ko na sya ng kandila makonsensya lang sya sa mga pinag gagagawa nya saken sa mga anak ko sa nanay at mga kapatid ko. hahaha. Still God Bless them. Alam naman ni Lord ang totoo.
Magbasa paDedma lang po katapat nyan kc kayo na my sabi ayaw sa inyo or hindi tanggap pagtuonan mo nalang ng pansin family mo at prove sa lahat na mali sila ang importante dyan solid kayo ng asawa mo khit ayawan ka ng lahat at ikaw my magulang pa na sarili yung sa side ng asawa mo pasasaan at hahanapin nila ang apo nila so mgdusa sila ahha charoot lang lalo pag unti unti kayo ngsisikap at hindi nahinge ng khit ano sa knila sila mismo ang pupunta sa inyo๐๐
Magbasa paGanyan daw si mama ko dati she had to prove herself sa mga inlaws niya kasi maaga sila nag asawa ng papa ko though graduate na si papa that time kaso panganay ng 10 magkakapatid. Anyway, with time eventually naging love na ng lolo at lola ko mama ko especially mababait mga apo nila. Kaya wag po kayo mawalan ng pag-asa. Ako naman ngayun wala ng MIL. She passed away from cancer, magbf-gf palang kami ni hubby. Si FIL mabait naman.
Magbasa paako din buong akala ko okay kmi ng MIL ko hindi pala ahahahaha.... kalokah... ung lagi ka naman kinakausap tapos nalaman mo hindi ka pala okay sa kanya... deadma nlng ginagawa ko ngayon madami naman kmi sa bahay eh at close ako sa lahat ng kamag anak nia except sa byenan kong hilaw haha... wa pakels nlng bastat ung ibang kapamilya mahal ako at inaalagaan ako wala nko pakialam sa byenan kong hilaw ๐คฃ๐คฃ๐คฃ
Magbasa paAw same ๐ Ngayon nga may magkakababy kami 6weeks preggy ako nung time na 2yrs palang kami ng bf ko sinabihan ba naman ako nung nanay na kahit magpakasal pa daw kami hindi ako matatanggap hindi ko alam dahilan ๐ Tapos sabi ni bf kapag nanganak na daw ako dun ako sa kanila, iniisip ko palang nasstress na ako hahaha hindi pa kami legal until now sa side ng bf ko 4yrs naman na kami ayaw talaga saken
Magbasa paDon't mind them. Same tayo kahit nung magjowa palang kami ng LIP ko di na okay sa kanya, harap harapan niya saking sinabi yun, naging reason din namin yun kaya kami naghiwalay dati but still di pala namin kaya, kaya eto kami arin at until now na magkakaanak na kami ni LIP ko ayaw parin saken kaya pinalayas niya LIP ko sa kanila. Ewan ba sa mga MIL maruning pa sila pumili ng aasawahin ng anak nila
Magbasa paSame. Nung una ok kami. Pati mga kapatid close ko. Pero nung nag tagal dami pala hanash haha kesyo di daw ako makaintindi na di pa pwede mag asawa kuya nila kesyo bakit pinopost ko un pag bubuntis ko sa fb haha pati mga kamag anak na iba nakisawsaw ndn sa issue. Haha pero kere lang ang mahalaga un baby ko at kami. Bahala nalang partner ko if pamilya nya pipiliin nya over samin ng anak ko.
Magbasa paMee too. Kaya dto kami sa side ko nakatira more comportable and less gastos kase magastos pag nasa kanila kmi daig pa nmin nangungupahan lagi pa may ngsisigawan at ngmmurahan. Dto samin kung ano lang mabbigay nmin pang gastos un lang bbili kami ulam pag wala hndi ka paparinggan pag hndi ka nakagawa sa bahay may peace of mind. Pero syempre pangarap din nmin na magkaron ng sariling bahay.
Magbasa pame too ganyan din. ok sya sakn nung una pero nung tumagal may nakapag sabi skn na sabi daw nya na mas ok daw kapag wala ako kaya naman daw nang anak nya at apo nya mabuhay kahit wala ako.. pero kapag nakaharap naman sya skn ok naman sya.. ang hirap yung ganun sitwasyon, naplaplastikan ako pero kinakaya pa naman as long as alam ko na wala akong gngwang mali sknya.. dedmatology nalang.
Magbasa pa