13 weeks no heart beat

Mga mommies sino po naka experience sa inyo na 13 weeks pregnant pero hindi marinig ang heartbeat ni baby gamit yung doppler. Sabi naman ng OB ko ganyan daw minsan pag maliit pa. Narinig ko naman yung heartbeat ni bb nong 7 weeks palang nong first ultz ko. Pero natatakot pa rin ako. Namatayan na kasi ako, nawalan din ng heartbeat yung unang baby ko.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sakin nung nagpa check ako sa ibang ob. balak ko kasi talagang maghanap ng new ob na mas malapit sa area ko. kaso may mga doctor na hindi matyaga so di niya nakita heartbeat ni baby. saglit lang nag try tapos sabay sabi na maliit pa daw kasi kaya di makita. samantalang yung totoong ob ko e palaging nahahanap yung hb. umiyak talaga ako nun pag alis kasi pinauwi ako na nag aalala. nag hanap talaga kami ng iba pang lying in clinic nung same day para lang ma check sa doppler pero wla na kaming mahanap kaya naghintay ako hanggang kinabukasan para bumalik sa original ob ko. so yun..nakita naman agad hb ng baby. kaya after nun bumili na kami ng doppler kasi hirap nang ganom na uuwi kang nag aalala

Magbasa pa
4y ago

pwede penge ng name ng shoppee mamsh? quality naman ba ung product?

hello momsh , ako noon 6 weeks through transV may heartbeat na si baby ,pero nung 20 weeks ko ni try gamitan ng dopler di din na detect so pinabalik ako after 2 weeks ,sobrang worried ako nun pero i trust my midwfe kaya nung pagbalik ko na detect na sya ,ganun daw talaga minsan hiram ma detect through dopler kasi maliit pa si baby, pero para di ka na mag worry pa ultrasound ka po

Magbasa pa
VIP Member

Consult agad kay OB mamshie. Kasi mga ganyan case urgent na sya po😔 wag na po patagalin. Sino po ba kumuha ng HB ni baby using doppler si OB or ikaw po? Kasi may case naman po talaga na pag ganyan palang hindi naririnig pa HB via doppler ung sakin narinig HB ni baby via doppler 17weeks na and nahirapan din talaga marinig kasi un pala sa UTZ anterior placenta ako.

Magbasa pa
VIP Member

mahirap talaga makuha yung heartbeat ni baby sa doppler momsh basta nasa 16weeks below pa lalo na pag medyo chubby. Need talaga ng patience sa paghahanap. Petite po ako pero 3 times nila trinay hanapin HB ni baby nung 14 weeks pa tummy ko. Ayun after total of 5 minutes at yun nahanap rin. Pwede naman magrequest ka sa OB mo ng UTZ para makampante ka

Magbasa pa

maliit pa po kasi si baby pag 13weeks palang and depende dn sa posistion nya. skin 15weeks di mahanap ang heartbeat sa doppler kaya pinag utz ako ng ob ko. then ayun kitang kita sya sa utz via abdominal and malakas ang hb nya..think positive ka lang momsh and pray ka palagi. 😊

ako na 39 weeks and 2 days na nun hirap pa rin ma detect heartbeat ni baby kaya tumaas bp ko ending CS pero kaya pala mahirap manapin kasi maliit si baby 2300 grams lang sya.shuta!kaya ko naman sana i normal delivery kaloka mga nurse pinakaba ako

opo saakin po 4 months na bago nadetect yung heartbeat nakasiksik daw po kasi sya sa kanang tagiliran ko...pero nagtyaga po syang hanapin din nahanap nya rin po...

ako po 6weeks pa lang c bb sa tummy naririnig ko n ung heartbeat. si OB kc hindi nagamit ng doppler. ung machine ung sa kanya-di ko lang alam ano tawag dun 😅

Best po to communicate with your doctor, dont be disheartened and keep your spirit ip

kung di makuha sa doppler sis, pa utz ka.