38weeks today! ?
Hello mga mommies, sino ka team june ko jan? June 25 due date ko pero sumasakit na po lower back ko, balakang, singit, puson tsaka private part ko. Nung june 1 and 2 may discharge na po ako. Nung isang araw tsaka kagabi din. Gusto ko na po makaraos. Panay squats, frog pose, cat pose, butterfly pose walking and even jogging na po ako para bumaba si baby. Kinakausap ko na rin po sya. Tumitigas lang po tyan ko. Nag salabat nako tsaka hot water with pepper para ma-trigger na pumutok ung panubigan ko pero wala pa din. Nag pineapple juice na rin po ako. Mamaya iinum ulit ako ng pineapple juice at tsaka chuckie. Sana effective. ? gusto ko na makita baby ko. Sana po makaraos na tayo. Please pray for me and my baby po. God bless po sa lahat. Goodluck din po sa mga manganganak na, and congrats sa mga nakaraos na. ?❤