Hi mga mommies, seek advice lang po sensitive lang ba ako o may ibig sabihin tlga sinabi niya? Kasi nagkakwentuhan po kami ng sister in law ko tungkol sa pagbubuntis ko, placenta previa po kasi ako npag usapan nmin may chance na ma CS ako, tapos bigla niya nabanggit na "wag ka dito pagkapanganak mo" kasi 2nd floor ang kwarto nmin ng asawa ko bumababa po kami tuwing kakain na, nsabi niya po yun kasi mahihirapan daw po ako mag akyat baba kung sakaling ma CS ako, nung una po wala lang sakin yung sinabi niya, pero habang iniisip ko prang feeling ko may laman po yung sinabi, bago po kasi yun ilang araw po mkalipas nagkaroon po kami ng alitan, may anak po kasi ako sa pagkadalaga na ksama ko po dito nkatira sa mga in laws ko. Eh lagi po nila pinagagalitan kasi malikot tsaka mabagal kumain. Eh nung isang linggo po kasi nrinig ko sinigawsigawan niya anak ko, eh mejo nagpanting na po tenga ko tinawag ko anak ko pasigaw na din po tapos, hindi na ko bumaba para sumabay saknila kumain, tapos inaway ko din si hubby ko kasi di manlang niya maipagtanggol anak ko sa mga kadugo niya, siyempre nmn po mommy msakit pra sakin sinisigawan nila anak ko diba, tapos ayung mga 2days din po kami di nag usap, 3rd day mejo binabati ko na siya hanggang sa unti unti na po kami uli nag uusap. Pero ramdam ko po na may gap na between samin, kaya nung sinabi niya po sakin na wag muna daw ako dito pag nanganak ako mejo npaisip po ako, may meaning ba o sensitive lang ako? Salamat po