TransV 6weeks and 6days

Hi mga mommies sana po mapansin niyo, kapag po ba nagatransV ako sa 6weeks and 6days ko possible na po ba makita si baby at may heartbeat na po kaya? Pinapaulit po kasi sa akin ang transV ko , Unang transv po kasi gestational sac at yolk sac palang po nakita, #pleasehelp #pregnancy

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sakin naka dalawang trans v ako . una is 5 weeks 2nd ko 7 weeks .. sac lang nakita .sabi may tendency na baka anembryonic pregnancy.. pero pinainom pa ren ako pampakapit .. for 1 week . at pinababalik ako .. praying na bukas pag balik ko e meron na makita .. :* wala namang imposible ke Lord.. kaya umaasa ako . khit last tym lumong lumo na ko.

Magbasa pa
8mo ago

ano po balita momsy

Baka po late lang po or maybe earlier ka pa than nung counted mo po na weeks. Nung 5wks ako kala ko mga 6-7wks na ako pero pag check 5wks pa pala and wala pang heartbeat after 2wks may heartbeat na pero low pa. After 10days super bilis na. Maybe late lang po or nagsisimula pa lang mag beat heart ni baby. 💗 pray lang parin. 🙏

Magbasa pa

10 weeks up talaga dapat magpatrans V para iwas praning sabi ng OB ko. Para sa akin, ok naman nq maaga nag tVS to see kung nasa tama pwesto ang pagbubuntis. Sa sobra excited ko before, nagpa TVS ako 6 weeks pa lang, no embryo pero may gestational sac at yolk sac na. Nag repeat ako 9 weeks na then mayroon na fetus at heartbeat.

Magbasa pa

sakin po first transv ko 5 weeks sakto and may heartbeat na si baby na 85bpm pero pinabalik ako after 2 weeks para makita kung lalakas pa yung heartbeat. So 7 weeks po naging 139bpm na heartbeat nya. Don't worry sis, may mga case talaga na sobrang late kung ma detect yung heartbeat. pray lang din 😊

2y ago

sis pde makita ultrasound results mo☺️ttignan ko lanq kung anu ung pinagkaiba ng atin curious kase ko sa result😔tia

VIP Member

Mommies same tyo… sac pa lang nkita sakin nung 6weeks ako… so nirequire ako bumalik after 2weeks to check heartbeat… ndi ako nkabalik because of pandemic,13th weeks nko nakabalik and formed na si baby… but yes it is normal n sa una wala pa heartbeat kaya ka pbabalikin

case to case basis po, ako kasi 1st transv gestational sac palang nakita 5 weeks and 6 days na ko nun after 2 weeks pinabalik ako ni OB kasi daw dapat may laman na, thank God pagbalik meron na laman and may heartbeat na :) think positive po :)

sakin 9weeks na pero wala pdin makitang baby 😢 humingi pa ko ng 2 weeks kay ob dahil baka sakaling pagbalik ko mag himala at magpakita na si baby 😢 may pag asa pa kaya o aasa na namn ako 😭 last yr blighted ovum ako 😭😭😭

VIP Member

yes po, sa akin po may heartbeat na ng 6 weeks. pero pinaulit pa din po sakin after 2 weeks kasi mahina heartbeat. Pero dont worry po, iba iba po tlaga. Balik ka po after 2 weeks, mas sure po pag 8 weeks.

sakin po momsh 6weeks palang kita na po si baby.. and may heart beat na din po sya.. pero low po heart beat nya nun kasi may bleeding po ako.. after ilang weeks nagnormal naman na po yung heart beat nya..

sakin sa transv 6weeks 5days na daw po ako pero sure ako na 5 weeks plng mula nung 1st day ng last mens ko. kaya sac plang din po nakita.babalik after 2weeks. praying na makita na si baby 😊