Fetal Movement

Hi mga mommies! Question po: Okay lang po ba or normal lang po ba na hindi pa masyado magalaw si baby at 22 weeks? 22 weeks and 3 days na po kami ni baby now. Last 2 days naramadaman ko na yung movement nia. Then last Sat checkup ko sa OB ko and was advised na mag start na ako ng fetal movement counting. Dapat maka 10 kicks si baby in 2 hrs and need gawin everyday until manganak na daw po ako. Today di po masyado magalaw si baby. Kumain at uminom na ako ng matamis, nagpatugtog narin at kumanta pero di po nalikot si baby. Any tips po para maging malikot si baby sa loob ng tummy ko? Thanks po sa mkakapag share ng experiences and tips nila. God bless po!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

saakin po nagstart na maramdaman ko movement nia is mga 28 weeks onwards na.. try mo po higa pa left side . at pakiramdaman siya mamsh ..

VIP Member

hi mommy baka anterior placenta po kaya d mo masyado ma feel yung galaw ni baby..try nyo po uminom ng malamig na tubig..goodluck po

4y ago

salamat po sa pagsagot 🙂 di ko po sure kung anterior placenta ako. minsan din kasi di ako sure kung galaw na ba ni baby yung nararamdaman ko or kung hangin lang sa loob ng tyan ko. yung first 2 days na naramadaman ko at sure ako na galaw ni baby yun is dahil nakita ko po na mejo umumbok ng konti ang tyan ko. pero minsan parang hangin lang or minsan parang may naikot sa tyan ko.