48 Replies
Yes mommy pwede po yan kahit with moisturizer as long as 70%. Ang kinaganda lang walang moisturizer ay mas mabilis daw matuyo sabi ng pedia ng lo ko. Lagi mo lang lagyan para di ma'infection pusod nya at di mangamoy. Ang turo pa nga ng pedia ng baby ko kuha ng cotton buds lagyan ng alcohol tapos roll mo sa gilid gilid ng pusod ni baby para malinisan talga kaysa patak patak lang ng alcohol.
As per pedia ng baby ko, matagal matutuyo ang pusod ni baby. Mas mabilis kung yung isang green cross. Siya naglinis ng pusod ni baby bago kami madischarge, dinedemo nya sa akin.
Yan din gamit ko nuon kay baby .after 1 week natangal na agad pusod nya .yan na kasi nabili namin huli ko na nalaman na dapat daw walang moisturizer
Yan po gamit ko before kay baby, antagal po natanggal. Hehe. Late ko na nalaman na dapat po pala ung walang moisturizer daw po.
Mamsh no need alcohol water lang pwede na as per pedia, ganun kasi ginawa ko kay LO water lang tas 5 days lang natanggal na.
As per pedia dapat ung walang moisturizer kasi matagal matanggal ang pusod ni baby gamitin nyo po yung pure na 70% alcohol
Hindi nilalagyan ng alcohol ang pusod ng baby ko kase un ang sabi sakin sa ospital, 1week lang tanggal na pusod nya
Dapat mommy walang moisturizer.Pero kung wala ka mahanap na iba.Okey na din yan kase 70% naman.
Bawal po alcohol sabi ng pedia. Water lang po ipanlinis Sa baby ko, 3 days lang, natanggal na po
Yes. Ganyan lang din gamit ng Baby ko ever since pinanganak ko sya until now ☺
Anonymous