Depression and Anxiety

Mga mommies, pls take time to read my post Gusto ko lang po talaga mailabas to. Pero FYI lang po... Unahan ko na kayo. I am happy being married kahit 1year plang kaming kasal. Napakabait ng aking asawa at maalaga sa akin. Halos wala ng kulang, anak na lang. And dahil sa anak na hinihintay namin dumating kaya ako nagkkganito ngayon. Malungkot. Alm nyo yung pakiramdam na may kulang na parang kahit pamilya mo siguro o pinkamalpit na kaibigan ay hindi mapupunuan yung kulang na nararamdamn mo. We are longing and asking for a child for a long time. Nanjang umiiyak nako halos sa pgdadsal at umiiyak na din ako sa asawa ko pero hinahyaan nya lang ako. Kalmado lang sya pero ramdam ko sa loob nya na malungkot din sya. Siguro dahil di lang nya talaga pinpakita ganun ata talaga ang mga lalake. Hindi sila masalita masyado sa nrrdaman nila. Pero alam ko at nkikita ko na mahal na mahal nya pa din ako kahit di ko sya mbigyan bigyan ng anak sa 7 yrs na pgsasama namin muls nung bf/gf plang kami. Kahit nuun pa man na bago kami mgpkasal ngpplano na kmi magkaanak kasi i was 28 na din that time. At sya 30 na. We are seeing a doctor na specifically an ob 4 yrs ago pa at kahit ngyon na mag-asawa na nga kmi i have the same OB. Kahit malayo sa bahay namin, tyintyaga namin mgpacheckup sa knya, di ako nagtry magpaconsult sa iba kasi nga gusto ko masusubybyan nya lahat sa journey ko, lahat ng hirap at sakripisyo naming magasawa para lang magkaanak. Lahat ng improvement sakin and everything, gusto ko machecheck ni OB. Pero natigil din ako mgpaconsult sa knya and followup checkup ng 2 yrs kasi naging busy na. Now, im 34 and si hubby turning 36 na. Pareho kami sa family namin na kami na lng ang walang mga anak. Yung mga nakakabata sakin na kapatid ko, ang aga mga nagkaanak. Ako ang panganay. Bunso naman ang asawa ko sa kanila. Now we'll go to the summary of the story. July 1 this year, ngpacheckup na ulit ako. 1st checkup ko ulit after 2 yrs. Ang reason kaya ako ngpacheckup ay dahil napapdlas na sakit ng tyan at puson ko na di ko na halos kinkaya at idindaing ko na talaga sa asawa ko at dahil natatakot nako kasi parang hindi na normal. Ngkkagnun lang namn ako usually kapag meron o magkkaroon ako. Ayun nga sinabi ko kay OB. And since may 25 meron ako hanggang june 25 straight one month na never pa nangyari mula nung nagsimula akong magkamens. Weird db... Alm kong hindi normal yun kaya tlgang nagpacheckup nko. Pati pagpa urinalysis ginawa ko na. Pero mild uti lang naman meron ako, sa lahat clear ako. PinagtransV ako ni OB at nkita naman at lumabas na nasa gestational age ako na 5wks 3days. Mgnda naman daw result ng utz ko kasi nangigitlog ako that time. At sabi nya "Sana mabuo". Bibigyan kita mga gmot at vitamins para sa pamapbuo ng baby" although di nman nya kinonfirm na buntis na nga ako nun. Pero at the back of my mind, mejo nagkaroon ako ng "pag-asa" nun kumbaga parang umasa nako. At umasa talaga ako. Kasi ang dami kong pinagdaanang utz sa knya before ang pangit ng mga result, nakakadepress talaga.Sobra struggle ko tlga nun. Ngyon lang may mgndang result sa utz ko yung isang tingin nya lang parang masaya na agad mukha ng doctor ko. Kaya masaya kaming umuwi nun nga sawa ko.Niresethan ako follic acid for 1month na iinumin ko and 2 klase ng vitamins. At sabi ni OB balik ako sa july 30 at iobserve ko kung mgkakamens ba ako ngyong month or hindi na. After 1week plang since nung checkup ko, ngkkaroon ako ng mga dugo dugo sa undies at pantyliner ko na hindi ko alam kung normal discharge ba mttwag yun o spotting. E di ko naman mtwag sarili ko na buntis nga. Di ko pinansin. Nagobserve ako. Mula nun ngllgay nko lagi ng pantyliner, hnggang sa ayun na nga, dumdadami na sya pgdaan ng araw hnggng sa araw na to di na kaya nakanapkin nako. So ibig sabhin, walang chance na mbubuntis pla ako dis month. Na hindi pa pla talaga ako buntis. Kasi malakas na yung dugo e npupuno na isang napkin. Nakakalungkot na ewan. Di ko alam yung eksaktong salita na sasabhin sa nraramdaman ko. Dumaan nko sa depression ayoko ng maulit pa. Pero sa lahat ng pingdaan ko nun hindi talaga ako iniwan ng asawa ko at kung hindi daw tlaga kmi mbigyan, mag adopt nalng kmi. Pero masakit pa din mabigo ng paulit ulit. Na naiisip ko" hindi ba ako/kami karapat-dapat maging ina o magulang? Bakit parang ayaw nya? Pero umaasa pa din kming magasawa. Tapos may nababasa ko dito na halos ngrereklamo na 1yr or 2yrs plang, problemado na mgkababy. Ano pa kaya pinagdadaanan ko. Hindi yan sa bsta naano ka, mabubuntis kna agad. Conceiving is a very sensitive matter. Gusto ko lang talaga maishare tong struggles ko for everyone here na din. Maswrte pa din kayo dahil mga bata pa kyo namomroblema.

8 Replies

Hi! I can very much relate to this post. I’m also PCOS, bilateral pa (2 ovaries). Dalaga pa ako alam ko nang may PCOS ako, then saka lng ako nagpaalaga sa isang Infertility OB after ko magpakasal when I was 30 (33 si Hubby). Magaling yung OB ko kasi sabay kame lagi chinecheck mag-asawa. Ang sabi kasi nya, useless kung ako lang itreat nya kung may problem din pala si Hubby. Kelangan lagi daw kameng dalawa. So bukod sakin, nagrequest din sya ng lab tests for Hubby. Dun namin na found out na low ang sperm count ni Hubby. Nirefer ni OB sa isang Urologist si Hubby pra magpatingin. Bukod sa low sperm count, meron pa syang varicocele. Mababa rin yung sperm motility nya. In short, hindi lang ako ang may problema. Sya rin. Sabayan pa ng nagkaroon sya ng mild depression dahil sa mga pangyayari sa buhay nya. Nakakafrustrate din yung dami nagtatanong kung wala pa daw ba etc. Worst na narinig ko is “ang hina naman” na parang sampal sa kakayahan namin na magconceive. A friend of mine referred me to Low Carb for PCOS na diet. Masasabi ko na yun ang naging malaking contribution sa pag conceive ko. Malaki kasi ang nagagawa ng diet na yun sa hormonal imbalance. Sad to say, hindi rin naman agad ako nagconceive. Naiinggit ako sa ibang nagdidiet din na mga 3 to 6 months lang nabuntis na. I decided to resign from my work kasi sobrang nakakastress na and ang thinking ko, baka kaya hindi binibigay ni Lord kasi meron akong kelangan i-give up. Umabot narin kami sa point na tanggap na namin kung di kami magkakaanak. Hindi naman sa nawalan ng faith sa Lord pero gusto lang namin ihanda ung sarili namin if ever na hindi talaga kami nabiyayaan. Pero kung kelan talaga hindi mo ineexpect, dun ibibigay ni Lord. :) Nung time na nakapagpahinga kame ni Hubby during lockdown, dun kame nakaconceive. Wag ka mawalan ng pag-asa sis. God hears your prayers. Do something productive while you wait. :) I know yung nangyayari sa inyo is magiging magandang testimony someday. Minsan dumadating sya sa time na hindi natin ineexpect. I will pray for you sis. P.S. Isa sa sinabi sakin ng Pastor na madalas magpray for me is “Pray like Hannah”. You can read her story sa Bible sa 1 Samuel 1. :)

I've been there. Iyak ako ng iyak dahil gusto na namin magkababy ng hubby ko. Tapos yung kaibigan ko na hindi naman nagttry magkababy biglang nabuntis kaya lalo akong nadepress. Pati yung asawa ko naapektuhan. Malaking factor po yung psychological effect nito sa performance natin lalo na sa quality ng sperm na nilalabas ni hubby. Umabot pa sa point na ayaw na niya magerect dahil siguro sa kakaisip. Nagpapaalaga din ako sa ob. Nakita naman nya na nangingitlog ako. Pero I guess yung pressure and stress namin magasawa yung dahilan. I suggest sabay kayo magpacheck up para makita nyo ano dapat gawin parehas and relax lang po kyo. Try nyo din po tongkat ali supplements for hubby and don't cry sa harapan nya. Nakakapressure yun sknya. I pray that one day in God's perfect time ibibigay din Niya yan sainyo..

Some of the moat conforting words in the universe are "me too". That moment when you find out that your struggle is also someone else's struggle that you're not alone, and that others have been down in the same road. Thankyou for your kind words. Appreciate it.😊

pray lng po kayo at wag mawalan ng pag asa.trust him☝️..dadting din yan..PROMISE...🙏..8yrs bago dumting si baby samin..2011 nag sama kame 2019 nagkababy kame..now buntis ulit ako.(29 weeks)..PCOS dn ako.at hirap mabuntis..gnwa ko rn lahat..tinapat dn ako.ng doctor sbe skn d na raw ako.mabubuntis..pero tignan mo nabuntis dn ako..😀.kaya wag po.kayo mawlan ng pag asa..🙏

VIP Member

maybe pwede po kayo mgsecond opinion sa ibang OB. pwede nyo naman ibigay full history nyo. pray po kayo at wag mawalan ng pagasa. sna wag kau mainis sa ibang mommy na problemado dn. kahit mas bata pa o ang problema ay nbuntis ng hindi planado. kasi kanya kanya po ng problema. ngkataon sa inyo pgconceive,sa iba naman ay hindi handang sundan o mbuntis pa.

don't lose hope,sabi nga nila when you stop trying,tsaka dumadating,just relax enjoy every moment with your husband,try to divert your energy to other things baka sakali makatulong,young pdin naman kau mumsh,just trust God,always pray and always look at the good side lang po,,stay strong!hopefully next post mo.mumsh picture na ni LO,❤

Baka dipa nkatadhanang ibigay sa inyo. My kilal aq 5 years saka sila biniyayaan. Kaya. Pray kalang. . Wag ka din mastress kac isa un sa factor kung bakit di ka nbubuntis. Dahil stress ka... C hubby mo ba napa chevk na jung tama lng ba ung speem count niya?

Sige po consider namin. Kasi mga previous checkup ko, ako lang talaga. At ang dami ko problemado nun. May PCOS ako, hormonal imbalance. Parang may cyst pa pako nun s ovary pero nwala naman na daw lahat yun sabi ni OB. Alm ko stressed talaga ako kasi working wife ako 4yrs na sa isang real estate office. Halos walang phinga, everyday pasok. Gabi na nkakauwi. Everyday commute. Dun plang stress na. Tapos mgasikaso pa dito sa bahay as housewife. Although kami lang naman ni hubby dito kasi nkbukod na kmi mula nung ngpksal kmi nver kami nkisama sa kahit sinung kmaganak o kapmilya namin dahil ayaw namin ng issues or gulo.

1yr kame ng partner ko trying to conceive.. hnd din kame nabigyan, but i try ung LC diet, kc mejo overweight po ako.. after 1month ng diet ko.. dininig din ni Lord ang prayers namin.. im now 33weeks preggy . ☺️🙏

kami din now. i feel you po , kaso mahirap pa sitwasyon ngayon kaya minsan iniisip ko na Lang baka hindi pa now kasi alam ni God mahirap pa ang sitwasyon dhil sa pandemic na ito. Pray Lang po tayo.💕

Trending na Tanong