Depression and Anxiety
Mga mommies, pls take time to read my post Gusto ko lang po talaga mailabas to. Pero FYI lang po... Unahan ko na kayo. I am happy being married kahit 1year plang kaming kasal. Napakabait ng aking asawa at maalaga sa akin. Halos wala ng kulang, anak na lang. And dahil sa anak na hinihintay namin dumating kaya ako nagkkganito ngayon. Malungkot. Alm nyo yung pakiramdam na may kulang na parang kahit pamilya mo siguro o pinkamalpit na kaibigan ay hindi mapupunuan yung kulang na nararamdamn mo. We are longing and asking for a child for a long time. Nanjang umiiyak nako halos sa pgdadsal at umiiyak na din ako sa asawa ko pero hinahyaan nya lang ako. Kalmado lang sya pero ramdam ko sa loob nya na malungkot din sya. Siguro dahil di lang nya talaga pinpakita ganun ata talaga ang mga lalake. Hindi sila masalita masyado sa nrrdaman nila. Pero alam ko at nkikita ko na mahal na mahal nya pa din ako kahit di ko sya mbigyan bigyan ng anak sa 7 yrs na pgsasama namin muls nung bf/gf plang kami. Kahit nuun pa man na bago kami mgpkasal ngpplano na kmi magkaanak kasi i was 28 na din that time. At sya 30 na. We are seeing a doctor na specifically an ob 4 yrs ago pa at kahit ngyon na mag-asawa na nga kmi i have the same OB. Kahit malayo sa bahay namin, tyintyaga namin mgpacheckup sa knya, di ako nagtry magpaconsult sa iba kasi nga gusto ko masusubybyan nya lahat sa journey ko, lahat ng hirap at sakripisyo naming magasawa para lang magkaanak. Lahat ng improvement sakin and everything, gusto ko machecheck ni OB. Pero natigil din ako mgpaconsult sa knya and followup checkup ng 2 yrs kasi naging busy na. Now, im 34 and si hubby turning 36 na. Pareho kami sa family namin na kami na lng ang walang mga anak. Yung mga nakakabata sakin na kapatid ko, ang aga mga nagkaanak. Ako ang panganay. Bunso naman ang asawa ko sa kanila. Now we'll go to the summary of the story. July 1 this year, ngpacheckup na ulit ako. 1st checkup ko ulit after 2 yrs. Ang reason kaya ako ngpacheckup ay dahil napapdlas na sakit ng tyan at puson ko na di ko na halos kinkaya at idindaing ko na talaga sa asawa ko at dahil natatakot nako kasi parang hindi na normal. Ngkkagnun lang namn ako usually kapag meron o magkkaroon ako. Ayun nga sinabi ko kay OB. And since may 25 meron ako hanggang june 25 straight one month na never pa nangyari mula nung nagsimula akong magkamens. Weird db... Alm kong hindi normal yun kaya tlgang nagpacheckup nko. Pati pagpa urinalysis ginawa ko na. Pero mild uti lang naman meron ako, sa lahat clear ako. PinagtransV ako ni OB at nkita naman at lumabas na nasa gestational age ako na 5wks 3days. Mgnda naman daw result ng utz ko kasi nangigitlog ako that time. At sabi nya "Sana mabuo". Bibigyan kita mga gmot at vitamins para sa pamapbuo ng baby" although di nman nya kinonfirm na buntis na nga ako nun. Pero at the back of my mind, mejo nagkaroon ako ng "pag-asa" nun kumbaga parang umasa nako. At umasa talaga ako. Kasi ang dami kong pinagdaanang utz sa knya before ang pangit ng mga result, nakakadepress talaga.Sobra struggle ko tlga nun. Ngyon lang may mgndang result sa utz ko yung isang tingin nya lang parang masaya na agad mukha ng doctor ko. Kaya masaya kaming umuwi nun nga sawa ko.Niresethan ako follic acid for 1month na iinumin ko and 2 klase ng vitamins. At sabi ni OB balik ako sa july 30 at iobserve ko kung mgkakamens ba ako ngyong month or hindi na. After 1week plang since nung checkup ko, ngkkaroon ako ng mga dugo dugo sa undies at pantyliner ko na hindi ko alam kung normal discharge ba mttwag yun o spotting. E di ko naman mtwag sarili ko na buntis nga. Di ko pinansin. Nagobserve ako. Mula nun ngllgay nko lagi ng pantyliner, hnggang sa ayun na nga, dumdadami na sya pgdaan ng araw hnggng sa araw na to di na kaya nakanapkin nako. So ibig sabhin, walang chance na mbubuntis pla ako dis month. Na hindi pa pla talaga ako buntis. Kasi malakas na yung dugo e npupuno na isang napkin. Nakakalungkot na ewan. Di ko alam yung eksaktong salita na sasabhin sa nraramdaman ko. Dumaan nko sa depression ayoko ng maulit pa. Pero sa lahat ng pingdaan ko nun hindi talaga ako iniwan ng asawa ko at kung hindi daw tlaga kmi mbigyan, mag adopt nalng kmi. Pero masakit pa din mabigo ng paulit ulit. Na naiisip ko" hindi ba ako/kami karapat-dapat maging ina o magulang? Bakit parang ayaw nya? Pero umaasa pa din kming magasawa. Tapos may nababasa ko dito na halos ngrereklamo na 1yr or 2yrs plang, problemado na mgkababy. Ano pa kaya pinagdadaanan ko. Hindi yan sa bsta naano ka, mabubuntis kna agad. Conceiving is a very sensitive matter. Gusto ko lang talaga maishare tong struggles ko for everyone here na din. Maswrte pa din kayo dahil mga bata pa kyo namomroblema.
Excited to become a mom