Hi mga mommies. Pinasama na naman ng asawa ko ang loob ko. Sinasabi ko sa kanya ang mga challenges ko sa pagaalaga kay baby like pagpipigil ng ihi, di makakain ng ayos, masakit na kamay, masakit na likod, at iba pa. Pero sa halip na icheer up nya ako ayun pinagalitan pa ako dahil parang sinusumbat ko daw sakanya na di nya ako tinutulungang mag-alaga. Wala naman akong sinasabi. Di din naman yun ang intensyon ko. Nagsasabi lang ako sa kanya kasi malamang sya ang asawa ko. So sa kanya ako nagoopen up. Pero parang mas dapat palang sinarili ko nalang ang lahat ng nararamdaman ko dahil lalo lang bumigat. Diba dapat ang asawa ang karamay mo sa lahat. Sa hirap at saya. Sa kanya ka din magkkwento ng araw mo at magsasabi ng nararamdaman mo. Pero bakit pag nagoopen ako sa asawa ko, nagagalit sya at sinasabi na nagiinarte lang ako at mahina. Mahina daw ako physically at emotionally kaya ko nararamdaman lahat to. Wala daw akong diskarte kaya wala ako halos natatapos na gawain sa bahay dahil kakaalaga sa anak namin. Hays nakakasawa na. Konting-konti nalang ang pasensya ko.