39 weeks. no sign of labor. no discharge.
Mga mommies palabas lang po ng sama ng loob. Naffrustrate na po kasi ako sa nangyayaring sitwasyon dito sa bahay namin. Inoffer ng papa ko na dito kami tumira sa bahay at wag bumukod para di mahirapan dahil malaki naman yung bahay namin. Yung Dad ko po retired na and sa ibang lupa na namin nakatira tuwing weekends siya pinupuntahan ng mom ko dahil may work pa si mama. Ang bigat lang po kasi sa pakiramdam na umaawit ng mga pang ambag sa mga bayarin dito sa bahay. Tubig, Kuryente, Internet, Pagkain. 3 kami mag kakapatid and magkakasama kami dito sa bahay. Yung isa single and yung isa may pamilya na rin dito. Ang sabi ng dad ko di pa kami obligado na magambag lalo na at late na kami nakapag ipon ni hubby para sa panganganak ko. Pero etong ate ko na siyang single eh nirurush kami sa mga bayarin. Eh kesyo wala talaga. Nakatabi na lang yun sa panganganak. Wala din kasiguraduhan kung may maitutulong ba parents ko pandagdag sa panganganak ko in any case magkaproblema. Nasstress po ako na imbis magprivate ob sa public hospital parang gusto ko nalang mag completely public gawa ng pressure sa bayarin. Eto din dahilan bat ayaw ko pa talaga dapat mag leave sa work gawa ng pressure sa bills na di naman dapat. Sinasabi din sakin na maglakad lakad ako at uminom ng pineapple juice para makapanganak na. Di nila alam nagawa ko na lahat umiinom na ako eveprim 4 na banig for 2 weeks na, nagaakyat baba sa hagdan, naglalakad lakad, inom at kain ng pineapple. Tapos sabi pa sakin ng ate ko kapag naka kain ng meconium yung baby ko tignan nalang daw san kami pupulutin. Sobra nakakasama ng loob. Gusto ko na manganak at makaraos. Nakakaiyak at nakakapanghina talaga. Gustong gusto ko magbigay pero naffrustrate nalang ako kasi helpless din naman ako. Di nila maintindihan na di pa kaya kasi manganganak pa ako. Sinabihan ko din na pag nakuha ko yung MAT2 ko magbibigay ako masyado silang nalalakihan sa pera na matatanggap ko sa SSS. Di ko na alam. Maski naman ako natatakot na baka mag pupu si baby sa loob. Kaso malikot pa talaga siya kahit kinakausap ko na and ang liit lang talaga ng tiyan ko. May mga nababasa din naman ako na wait ko nalang si baby lumabas dahil siya din makakaalam kung lalabas na siya wag stressin at pagurin ang sarili. Ftm here. ???