Mother-in-law

#advicepls Married for 3 yrs. nakapagpatayo na rin ng sariling bahay, 7.5 months preggy for my 1st baby. Yung Mother in law ko kasi sa amin nakatira kasi widow na sya, wala din naman silang sariling bahay before. kaso sobrang laspag sa pera at walang pagtitipid sa bahay, bagos may pagka burara pa. (sorry for the term). minimun lang ang income namen mag asawa kaya super nag ba budget kame lagi. kung magluto ng ulam di na iniisip ang bukas, yung pang 1 week sana isang lutuan lang. πŸ˜” pagnagkakapera sya mas inuuna nya ang Lazada at Shoppe pero pag wala na sya pera ayun malungkot at stress sa bahay. andame din namen bayarin. yung utang sa pinagpagawa ng bahay, electric bill, water bill, food, transpo at sympre sa panganganak ko etc. pano ba gagawin ko? wala na sya mapupuntahan, 2 magkapatid lang ang hubby ko mas nakakaluwag sa amin ang bayaw ko pero sobrang damot naman ng belas ko. #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku mommy kailangan kausapin ng asawa mo si mother in law. Kailangan kamo para din sa inyo kasi yan. I think hindi madamot si bilas, gusto lang din niya siguro isecure ang future ng pamilya nila muna bago mag bigay sa iba. Ganun talaga kasi di ba, yung binuong pamilya na ang priority dapat. Usap talaga ang need. Bigyan lang siya ng maximum budget and sabihan na hanggang doon lang ang pwede kapag naubos na wala na kayong idadagdag kasi may ginagastusan din naman kayo. Baka kaya din ayaw ni bilas magbigay for her kasi alam niya na gastadora si MIL.

Magbasa pa