In-laws

Hello mga mommies, pahingi po sana ng advice. Wala po akong ibang makausap. Sobrang gulong gulo na po kasi ako. 2 months pregnant po ako. 20, first baby, ang problema ko po nag aaral pa lang po ako, 5th year college. Isang sem pa po bago grumaduate. Pero imposible na pong maka graduate ako kasi september po edd ko. Hindi pa po alam ng parents ko, balak ko po sana after ng sem ko sabihin. Kaso parang nagbago na po isip ko, parang ayaw ko na po sabihin. Kasi kakaalam lang po ng parents boyfriend ko ngayon na buntis ako. Sobrang sakit po sa part ko ng mga narinig ko sa mama niya. Hindi ko po alam kung sensitive lang ako. Galit po kasi mama niya, alam ko po normal lang magalit kasi magulang, pero parang iba na rin po kasi nga sinasabi, na kesyo tindahan lang daw nila bumubuhuay sakanila, tapos di raw tumutulong mga anak nila, yung boyfriend ko lang daw po nag bibigay, 27 na po siya. Parang ang pinupunto po ng mama niya makikihati pa ako. Parang pakiramdam ko pinapamukha niyang pabigat ako, dagdag pa kami ng anak ko sa gastusin nila. Ang daming rants ng mama niya na parang ramdam na ramdam ko yung salitang sampid. Pati sa pagpapakasal, parang ang gusto iparating ng mama niya wag na magpakasal para hindi hassle. Gusto ko na po mag stop, lumayo nang walang pasabi at mag trabaho na po habang hindi pa malaki tiyan ko para may pang gastos po ako sa check ups at vitamins ng baby ko. Para kahit gastusin na lang sa ospital pag manganganak na ako ang hihingin ko sa boyfriend ko. Ano po bang magandang gawin? Please kailangan ko po ng advice

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo ba na hindi obligasyon ng anak ang magulang nya? Sabihin mo sa bf mo nararamdaman mo. Ayain mo sya na bumukod na kayo. Saka sabihin mo na din sa inyo (sa parents mo) na buntis ka. Atleast kung sa bahay ng bf mo di ka tanggap, baka sa bahay nyo mas ok. At maalagaan ka.

Magbasa pa
5y ago

Di ko rin po kasi alam pano ko iaapproach bf ko, kasi nanay niya po yun eh, baka magalit sakin. Sasabihin ko po sa parents ko, mag iipon lang po ng lakas ng loob. Thank you po ng madami sa advice