problem

Mga mommies pa advice naman po. Alam ko po simula palang ayaw na sakin ng parents ng asawa ko unang araw palang na dinala ko dito ng asawa ko iba na pakikitungo nila sakin hanggang sa nabuntis ako kinasal kami ng asawa ko ganun parin.dito kami tumira ng asawa ko sa bahay ng parents nya kasi hindi pa kaya tiniis ko lahat ng salita nila kahit palaging nagpupunta dito ex ng asawa ko wala silang narinig sakin. Ngayon po nagkagulo dito sa kanila at nadamay ako. Nagdecide kami mag asawa na bumukod na tutal kaya naman na kaso parang tinatakot sya ng daddy nya na once umalis dito sa kanila hindi na sya pag aaralin or kahit anong tulong kaya biglang nagdalawang isip asawa ko. Ngayon mga mommies lumabas ako sa gate dito nagtataka ako iba pakikitungo sakin ng mga tao yun po pala pinagkalat ng byanan kong babae na nagpabuntis lang ako sa asawa ko at ako pa daw ay mapanakit na tao.. Alam po ng asawa ko lahat ng pagtitiis ko dito sa bahay nila..kaya po desidido na sya na bumukod kami kinaka alarma ko lang mga mommies baka mag kagulo ulit.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kinasal na kayo eh so dapat nakabukod na kayo. Ang hirap ng ganyan lahat sila ayaw sayo jusko kagigil mga ganyang tao kala mo di nila pinag daanan mga pinag dadaanan nyo

If your hubby loves your family, unahin dapat kayo mag anak.. If his daddy wont support you, soo what? Nag family na kayu dapat di na kayu umaasa sa help ng relatives.

Hayaan mo sila Momsh. Umalis na kyo dyan, nakakastress to be surrounded with toxic people. Yung chismis? Mamamatay at mawawala din, ang importante alam mo ang totoo.

Bumukod nalang po kayo sis.. masstress kalang dyan sa family ng asawa mo, kayanin nyo nalang po kahit walang tulong nila.. magpray po kayo palagi

kung may kakayahan nmn kayong bumukod cc at hindi humihingi sa kanila ng kung ano bumukod na kayo kesa mastres ka pa

Better na bumukod na lang po kayo. Ang pamilyang binuo nyo ang ang priority na dapat nya ngayon.

If it is taking toll on your peace of mind, bumukod na kayo. It is nit worth your mental health

Mas mabuting bumukod kayo mahirap kasi yung maraming nakikisawsaw sa pag sasama nyo

Magkagulo na kung magkakagulo basta bumukod na kayo. Ang gulo!

VIP Member

Mas okay talagang bumukod kayo..