Hi mga mommies. Normal lang ba ang green poop? Nagpalit po kasi kami ng milk for my LO. Actually ang original milk nya is, Enfamil A+ 6-12, pati 0-6 sya yan ang milk nya. Tapos pinalitan namin ng S26 Pink ngayong 8months sya, parang 2 weeks lang namin sya naubos ni LO ko, bumili kami ng isang box yung pinakamalaki 2.1kg ata yun, kaso iba ang poop nya, dilaw na watery, as in every day. Minsan 2-3 times a day sya nag popoop, still watery. And nagbabalat yung labi nya, means dehydrated, i guess?? And pinaubos lng namin yung isang box. Then, pinalitan ulit namin ng NAN Infinipro HA 6-12mos (still 8months pa rin sya ngayon) yung color white gold. And poop nya naman dito is green na watery and may solid stool pag kumakain sya ng solid food. Pag hindi sya kumakain ng solid food, watery naman na stool ang nilalabas nya. Yung labi nya nag back to normal hindi na nagbabalat. Wala naman ibang senyales na may nararamdaman si LO ko, its just that nag woworry lang ako sa color ng stool nya. Ito po yung pictures ng stool nya for reference. I'm a first time mom, so pls don't judge me.
Ps: Maganda ang Enfamil sa LO ko, no problem about it. We just changed her milk for a while because of financial.