:(

Mga mommies, noong nambabae po ba asawa nyo (if ever naman po na naranasan nyo po) paano nyo po na-handle hanggang sa napatawad nyo sya? Ako kasi di ko kaya. Araw araw naaalala ko panloloko na ginawa nya. Pati kabit sinabihan ako na sana malaglagan daw ako. Naiinis ako kasi pati anak ko dinadamay nya. Sobrang stress ko na pinanghihinaan pa ako ng loob. Di ko na alam gagawin ko.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Umamin ba siya sa ginawa niya? Humingi ba siya ng tawad? Nagexplain ba siya? Kung ginawa niya lahat ng yan, give him a chance. Yes, di madaling kalimutan. Pero iopen mo yung puso mo sa pagpapatawad, paunti unti kailangan mong matutunang tanggapin na nagkamali yung asawa mo. Matutong magpatawad kahit na gano kahirap at kasakit ng sitwasyon. Kung makikitaan mo naman ng pagbabago yung asawa mo, hindi ka mahihirapang patawarin siya. Magkaroon kayo ng usap or kasunduan para di na maulit uli yun. Healing is a long process. Pero ikaw din po tulungan mo sarili mong makalimot, tanggapin yung nangyari at magpatawad. At sempre, wag mong kakalimutang magdasal. Sobrang laking tulong, lahat ng sakit kay Lord mo isumbong at sabihin, sobrang nakakagaan po ng loob. Pray for healing and guidance po na maliwanagan kayo at matanggap niyo lahat. Pag nalampasan niyo yan magasawa, mas magiging matatag kayong dalawa. Been ther, done that. 😊

Magbasa pa
6y ago

Ang babaw naman ng dahilan. But if your physical appearance is his needs, magpaganda ka uli sis. Para malaman niya kung sino ang iiwan niya at ipagpapalit niya.