Need Advice

Hi mga mommies need lang po ng advice ano po bang pwede ko pong gawin ? Nanganak po ako ng twins 3 mos ago and nung una po okay naman po yung partner ko. Tinutulungan nya po akong magpuyat kahit nung bumalik na sya ng work tinutulungan nya pa din po ko. Pero napansin ko po mabilis pong uminit ulo nya to the point na sinisigawan na nya yung mga baby, inaalog nya pa po pinanggigilan nya. Alam ko pong pagod sya pero sarili nya pong anak yun , halos wala na po akong tulog kakaasikaso sa babies ko kasi hindi po namin afford yung katulong kaya pinagtytyagaan ko pong magalaga. Nanghihingi din po ako sa mama ko ng pera para po minsan makabili ng pangangailangan ng baby namin para kahit wala akong work makapagbigay pa din ako. Naawa ko sa baby ko pero nalilito po ako. Mabait naman po sya never nya pong pinabayaan mga baby lalo na po sa financial pero pag po naiinis na sya ayan na po nasigaw na po sya. Isa pa din po pansin ko po nagagalit po sya pag hindi ko po sya napagbibigyan. Minsan po okay lang pero po neto lang nagalit po sya. Natatakot na po kasi akong mabuntis kasi wala pa po akong contraceptive dahil wala pa po akong mens at syempre po wala na talaga akong gana kasi sobrang kaunti ng tulog at pahinga ko. Sinabi ko naman po sakanya yun kaso lang po parang hindi nya po ako naintindihan. Nahihirapan na po ako gusto ko sanang magtanong sa magulang ko kaso natatakot po ko sa isasagot nila ano po bang magandang gawin po. Gusto ko sana ng buong pamilya kasi galing po akong broken family pero natatakot po ko para sa mga anak ko. PS tinanong ko po sya kung masaya po sya sa mga baby po namin sagot nya po okay lang, pero mas gusto nya daw po ako lang at walang kahati sakin :(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Grabe napaka immature naman niya, anak nia naman un. Pero at some point baka talagang naninibago pa sya, nasanay kase syang lahat ng atensyon mo nasa kanya, sooner or later matatanggao niya din na hindi na lang kayong dalawa, pero mas magandabg malinawan sya ngayon palang, kausapin mo sya and ipaintindi mo yung point mo and kung hindi niya matanggap un sitwasyon mo mas okay sigurong dun ka muna sa parents mo. That way marealize niyang madami mawawala saknya pag hindi sya nagbago.

Magbasa pa
Related Articles