Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of twins
Need Advice
Hi mga mommies need lang po ng advice ano po bang pwede ko pong gawin ? Nanganak po ako ng twins 3 mos ago and nung una po okay naman po yung partner ko. Tinutulungan nya po akong magpuyat kahit nung bumalik na sya ng work tinutulungan nya pa din po ko. Pero napansin ko po mabilis pong uminit ulo nya to the point na sinisigawan na nya yung mga baby, inaalog nya pa po pinanggigilan nya. Alam ko pong pagod sya pero sarili nya pong anak yun , halos wala na po akong tulog kakaasikaso sa babies ko kasi hindi po namin afford yung katulong kaya pinagtytyagaan ko pong magalaga. Nanghihingi din po ako sa mama ko ng pera para po minsan makabili ng pangangailangan ng baby namin para kahit wala akong work makapagbigay pa din ako. Naawa ko sa baby ko pero nalilito po ako. Mabait naman po sya never nya pong pinabayaan mga baby lalo na po sa financial pero pag po naiinis na sya ayan na po nasigaw na po sya. Isa pa din po pansin ko po nagagalit po sya pag hindi ko po sya napagbibigyan. Minsan po okay lang pero po neto lang nagalit po sya. Natatakot na po kasi akong mabuntis kasi wala pa po akong contraceptive dahil wala pa po akong mens at syempre po wala na talaga akong gana kasi sobrang kaunti ng tulog at pahinga ko. Sinabi ko naman po sakanya yun kaso lang po parang hindi nya po ako naintindihan. Nahihirapan na po ako gusto ko sanang magtanong sa magulang ko kaso natatakot po ko sa isasagot nila ano po bang magandang gawin po. Gusto ko sana ng buong pamilya kasi galing po akong broken family pero natatakot po ko para sa mga anak ko. PS tinanong ko po sya kung masaya po sya sa mga baby po namin sagot nya po okay lang, pero mas gusto nya daw po ako lang at walang kahati sakin :(
Blood sa poop
Tanong ko lang po if blood po ba yan and normal na kulay po ba ng poop yan ? Mixed feed po si baby hindi po ngtatae suka and masigla naman at malakas dumede. Wala din po fever dapat po ba ko magworry ? Oct 1 pa po kasi checkup nila sabay ng vaccine. Help po mommies.
Pagaalaga sa Twins
Ano po bang dapat gawin pag nagsusuka si baby? Nagpanic po kasi ako hndi ko alam gagawin tuwing nagsusuka yung kambal ko :( Feeling ko din may milk sila sa baga kasi lagi silang nggrunt. Pag nagpapahinga din po ko sa umaga feeling ko po hindi din naalagaan ng maayos yung twins ko kasi hinihiga nila agad pagkadede (mixed feeding po ako) , pag nagsusuka po hinhayaan lang nila naiistress na po ako sobra. 1-2 hours lang madalas tulog ko hndi ko na alam gagawin para mamanage ko ng maayos yung pagaalaga sa twins lalo na first baby ko po. Nahihirapan na po ko.
SSS maternity benefit
Naghulog po ako ng contribution ng january to march kasi pwede pa daw po ihabol sabi ng taga sss nung june lang po. July po ako nanganak then nung magpapasa na po ako hndi daw po ako makakaavail ng benefits dahil hinabol ko lang daw po yung contribution, dapat daw po march po ako naghulog. Anyone po na may same case na nakapagclaim po ng mat benefit nila? Hoping pa din po ako na may makuha since may utang pa po kami nung nanganak ako.