VACCINES (Health center vs. Pedia)

Mga mommies, nagpa-vaccine kami sa health center. Kaso kulang kulang. Walang rota virus. PROS: Free CONS: Incomplete vaccine. Lalagnatin pa si baby. Pag di ka nagtanong di nila sasabihin. Like ano dapat gawin after vaccine etc Pero sa pedia 6in1 kasama na yung rota virus and boosters etc. PROS: Walang lagnat. Complete with consultation pa CONS: Mahal Now, tumawag kami sa pedia wala silang rota virus alone. Pano kaya to??? Uulit ba kami ng vaccine?? Sana pala sa pedia na lang kami!! :( kaawa si baby.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis di kasama sa 6in1 ang rota. Oral drops yung rota. Then sa 6in1 - Diptheria, Pertussis, Tetanus, Hib, Hepa B at Polio. Sa pedia kami nagpapavaccine, yes free nga sa center pero yung quality kasi di natin masabi. If sa private clinic they make sure na okay ang temperature ng mga gamot bago iturok, which is di natin siguro sa mga health center. Once kasi may nag drop na sa temperature pedeng mabago na yung bisa ng gamot. Mahal nga lang talaga sa pedia pero yung safety at assurance na okay si baby sigurado naman. Eversince na nagpa vaccine kami di pa nilagnat ang baby ko unlike yung mga kabatch nya dito na sa center, lage nilalagnat after ng turok. At isa pa nakasunod kami sa sched ng vaccine unlike pag sa center mag aantay ka pa kung kelan available minsan wala pa eh di nag skip na ang vaccine ng baby.

Magbasa pa
5y ago

parehas lang yan wag masyado mayabang porke may budget!!!