VACCINES (Health center vs. Pedia)

Mga mommies, nagpa-vaccine kami sa health center. Kaso kulang kulang. Walang rota virus. PROS: Free CONS: Incomplete vaccine. Lalagnatin pa si baby. Pag di ka nagtanong di nila sasabihin. Like ano dapat gawin after vaccine etc Pero sa pedia 6in1 kasama na yung rota virus and boosters etc. PROS: Walang lagnat. Complete with consultation pa CONS: Mahal Now, tumawag kami sa pedia wala silang rota virus alone. Pano kaya to??? Uulit ba kami ng vaccine?? Sana pala sa pedia na lang kami!! :( kaawa si baby.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis di kasama sa 6in1 ang rota. Oral drops yung rota. Then sa 6in1 - Diptheria, Pertussis, Tetanus, Hib, Hepa B at Polio. Sa pedia kami nagpapavaccine, yes free nga sa center pero yung quality kasi di natin masabi. If sa private clinic they make sure na okay ang temperature ng mga gamot bago iturok, which is di natin siguro sa mga health center. Once kasi may nag drop na sa temperature pedeng mabago na yung bisa ng gamot. Mahal nga lang talaga sa pedia pero yung safety at assurance na okay si baby sigurado naman. Eversince na nagpa vaccine kami di pa nilagnat ang baby ko unlike yung mga kabatch nya dito na sa center, lage nilalagnat after ng turok. At isa pa nakasunod kami sa sched ng vaccine unlike pag sa center mag aantay ka pa kung kelan available minsan wala pa eh di nag skip na ang vaccine ng baby.

Magbasa pa
5y ago

parehas lang yan wag masyado mayabang porke may budget!!!

For me its better sa pedia..mas panatag ka kc doctor un tuturok den quality ung gamot, sa center kc generic ung mga gamot nla my tym pa na d available ung vaccine na dapat sana ibibgay ky LO and my vaccine na need lng ibigay at a certain time or else magiging useless xa, kw ung mg aadjust sa kanila. In the long run, investment mo ke baby un, need lng tlga mg higpit sinturon. Ako sa eldest tiis2 tlga pra mpa vaccine lng c baby sa pedia, natakot ako dun sa patient dn ng pedia ni baby, sa center ngpa vaccine nurse or midwife ngturok natamaan ung ugat at namaga na hospital pa ung baby kc taas na dw lagnat infect na pla.

Magbasa pa

Bakit nga ba nakakalagnat ang penta sa center at hindi sa pedia? Sa center kasi ang gamit nila ay DwPT (whole cell) meron syang killed pertusis bacteria with cell covering. Sa pedia ang gamit nila DaPT (acellular) meron syang killed pertusis bacteria with the cell covering REMOVED. Cell covering ng pertusis bacteria yung nagbibigay ng side effects gaya ng lagnat at pamamaga. Ang tanong, parehas lang ba sila? OO. PAREHAS LANG. ANG PINAGKAIBA YUNG ISA WHOLE CELL (PAINFUL) YUNG ISA ACELLULAR (PAINLESS)

Magbasa pa
5y ago

Thanks Mommy, nakakaawa lang po kasi :(

VIP Member

Mas ok sa pedia un nga lang mahal..pero kung kaya ng bulsa bakit hindi para sa baby mo nman yan..saka sasabihin sau ung mga dapat mo gawin sa baby mo di tulad sa center na di ngpapayo kung ano dapat gawin my pamangkin nga ako gang ngaun di pa kumakain ng solid food kasi etc etc. Di alam ng mother niya at 6mos. Pwed na ifeed ung baby kasi sinsabi yan ng mga pedia doctor lalo na pag nkaprivate ka tuturuan ka nila kung ano gagawin sa mga baby imomonitor nila ung paglaki ng baby mo..

Magbasa pa

Based sa experience ko, okay naman sa health center sa province namin not like her sa siyudad. Pwede ka magpaconsult, check height, weight at temp ni baby with free paracetamol. Pero dto, self service ang pagcheck ng weight, yon lang malalaman mo then nagmamadali ang nurse sa sobrang dami ng nagpapavaccine kasi mag isa nya lang at hindi pa kumpleto vaccines kasi naubusan daw. Yan na experience ko sa 3rd baby ko since we're staying here now. Mejo nakakadisappoint.

Magbasa pa

Same lang po yung quality ng vaccines na binibigay ng health center at ng pedia. Some private pedia would even recommend to get free vaccines sa center and yung hindi available sa center pwede sa kanila na lang. And it's not true na di naka separate ang rotavirus. Gusto lang talaga ng pedia na gawin mo lahat ng vaccines with them because of course it will be an income for them. You can always have the rotavirus vaccine separately.

Magbasa pa

Try nyo po sa ibang pedia baka available rota vaccine nila. Sa private din ako kc hindi namin kaya ni baby maghintay ng matagal tapos single single ang inject kawawa lang si baby sa private kc may 6in1 mabilis pa matapos ang mga vaccine nya. Rota is rota lang po wala ibang kasama, yung 6in1 D, P, T, HEPA B, HIB, at IPV. Hindi rin po kayo uulit sa vaccine basta pakita nyo lang record nyo para masundan ni pedia.

Magbasa pa

Ako po dito sa health center malapit sa amin pinaturukan si Baby. Free yung vaccine except sa Rota, nagpaorder ako sa nurse, P1900 ang price then sa kaniya ulit ako nagpaturok. Ok din naman ang vaccine sa health center kasi may proper storage nmn ng mga vaccine at trained naman ang nurse ng DOH. Pero if afford mo naman sa private, go ahead.

Magbasa pa

Stand alone ang rotavirus vaccine, you can have it administered ng pedia ni baby mo. Yung ibang bakuna pwede sa center kasi parehas lng yun. Ang pedia pa nga nag recommend ng health center sa anak ko. Wala sa quality ng gamot kung lalagnatin si baby o hindi, depende yun sa magiging reaction ng katawan niya.

Magbasa pa

How come na yung iba sinasabing hindi alam ang quality ng vaccines sa center? Magbibigay ba ang gobyerno ng substandard na mga vaccine? As far as I know hands on pa nga ang DOH pagdating sa child health e. Please don't judge. We have our own choices kung saan magpapabakuna. Kung may K, go na sa pedia. Kaloka

Magbasa pa
5y ago

Sana naman nga di substandard ang mga vaccine sa center, knowing dito sa pinas mahilig sa kickback ang mga nasa posisyon. Katulad na lang ng nangyari sa dengvaxia, haaay nakakatakot.