VACCINES (Health center vs. Pedia)

Mga mommies, nagpa-vaccine kami sa health center. Kaso kulang kulang. Walang rota virus. PROS: Free CONS: Incomplete vaccine. Lalagnatin pa si baby. Pag di ka nagtanong di nila sasabihin. Like ano dapat gawin after vaccine etc Pero sa pedia 6in1 kasama na yung rota virus and boosters etc. PROS: Walang lagnat. Complete with consultation pa CONS: Mahal Now, tumawag kami sa pedia wala silang rota virus alone. Pano kaya to??? Uulit ba kami ng vaccine?? Sana pala sa pedia na lang kami!! :( kaawa si baby.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa center din ang baby ko pero Hindi nmn nilagnat. Ung RotaVirus wla sa center kaya sa pedia kami papa-vaccine. Ang gngwa ko, vaccine nya ay sa center pero may monthly checkup pa din sa pedia para ma-monitor pa din kung tama ba ung weight,height,development,etc.

VIP Member

Buti nalang mabait ang Pedia ni baby, kasi gusto ko sakanya ipa'vaccine si baby pero ang sabi niya sa center nalang daw same lang naman daw yon tapos hindi pa ako gagastos. Ipunta ko nalang daw sakanya kapag wala yung dapat na iva'vaccine kay baby.

Ako mommy kahit mahal sa pedia nagtyaga kami kasi kumpleto sa knila tapos bawat turok hindi nilalagnat si baby.last january naturukan ng rota virus at anti pneumonia si baby at ngaung feb 22 2nd dose na ng 6in1 nya

5y ago

Warm compress mo lang po yung injection site nya mommy. . Nakalimutan ko na nga lang ilan minuto dapat. .😁 sorry

TapFluencer

oral drops nmn po yung rotavaccine sis. meron po yan. yung sa anak ko sa center un iba den rota sa pedia niya. hanap ka lang po ng ibng pedia.

Try mo nalang sa ibang pedia if sa pedia ang prefer mo. pero kasi for me wala naman pinagkaibahan kahit sa center e walang bayad at ok naman

yung ibang vaccine sa center kami yung rota lang sa pedia kase sa kanila lang available..

VIP Member

Hi mamsh sa pedia ng baby ko nka bukod ang rotavirus pinapatak sya. 3k

Rotavirus hiwalay sa 6in1.. and it cost 2500 sa pedia namin.

5y ago

Rota virus 3500 sa pedia namin

Sa pedia ko meron separate na rota virus mam.

Hiwalay po ang rotavirus not included sa 6in1