Second pregnancy — Baby Bump?

Hello mga mommies. May nabasa ako sa internet na kapag second pregnancy mo na raw, you tend to show a little bit earlier. Like mas maaga daw na nahahalata na buntis ka, or mas maaga nag sh-show baby bump mo compared nung first time mong magbuntis kasi late nagshow. Naniniwala kayo doon? Sa mga mommies na pregnant for the second, third or more time, at what week nagshow baby bump niyo? Or what week nahalata na buntis na kayo? 2nd pregnancy ko na to and I’m on my 11th week. Napansin ko belly ko, hindi ko mapagtanto if bloated lang ako or baby bump na ba. But usually if bloated, nag f-flat lang din tyan natin at the end of the day diba? Hehe. Pero itong sa akin, parang ang obvious na na buntis na ako. 🥲😂

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

4th pregnancy ko na ito and yes totoo sya. 13 weeks palang ako noon sa 3rd at 4th pero para na syang katumbas ng 6 months sa panganay ko. Atska hindi na sya ganon kahirap dalhin. I mean, na stretch nang dati yung matres naten so konti nalang istretch nya ngayon,i mean hindi na gaanong masakit kumpared sa una. Ewan ko lang po sa iba. Base on my experience lang po itong comment ko. It varries parin siguro. Pero in terms of paglilihi,lahat po sila nahirapan parin ako sa paglilihi.

Magbasa pa

I'm on my 2nd pregnancy also, I am 32weeks preggy, nag literally show talaga Yung baby bump ko is 6mos na. Nung 5mos palang kami Ng baby bump ko parang hindi ako buntis nasusuot ko pa Yung mga gusto ko suotin, unlike Nung 1st pregnancy ko 4months nag show na agad. although Ang kinaibahan lang po is mas maaga ko nafeel Yung kick ni baby sa loob Ng tyan ko compare sa 1st pregnancy ko.

Magbasa pa

Depende po momsh. Buntis ako ngaun s pangalawa ko pero nhalata lang yung tyan ko nung 6months na. Siguro dahil chubby ako kya walang nkhalata n buntis ako (immediate family and close relatives and friends lang kc nkakaalam n buntis ako).

2nd baby and I'm on my 10th week pa lang pero mukha ng 4mos yung tummy ko 😅 nagugulat sila pag sinasabi kong 10weeks pa lang kasi visible na talaga yung baby bump. Unlike nung 1st baby ko, 5mos pa naging halata yung baby bump

2nd pregnancy ko now di obvious tummy ko compaee nung 1st oregnancy ko na petite ako and 24 lang bewang ko kaya medyo maaga nakita bump, nung after ko mangank mejjo tumaba ako ngayon 15 weeis nako parang bilbil nalang hahahhaha

2nd pregnancy after 9 yrs and yes, halata na sya kahit nung 2mos pa lang kaso bloat pa lng yun, laki ng tyan ko na matigas. now 4mos na, ang laki niya parang 6 to 7mos nong nauna kong pgbubuntis.

Second pregnancy ngayon, not sure po kung nagkataon lang na madami daw akong amniotic fluid ngayon kaya malaki ang tyan ko, pero ang laki kasi ng inilaki ng tyan ko ngayon compared sa una 😊

Sakin 1st baby ko 5mos nag ahow baby bump ko..now for my 2nd pregnancy napa early sya 4mos halata na talaga baby bump..ngayon 6mos pregnant pra manganganak na ako sa sobrang laki ng tyan ko..

Mas maaga ko na feel yung movements ni baby. Around 16 weeks. Pero flat pa rin tummy ko non. Nahalata lang siya nung 20th week na. Tapos biglang laki na rin ng tummy ko 🤣🤣

Yes same sakin khit nkunAn ako nung unang preg.ko itong pangalawa 15weeks kita n baby bump ko at ramdam ko n c baby nkaumbok sa babang puson ko😊kakpanganak ko lng nung july,.