Second pregnancy β€” Baby Bump?

Hello mga mommies. May nabasa ako sa internet na kapag second pregnancy mo na raw, you tend to show a little bit earlier. Like mas maaga daw na nahahalata na buntis ka, or mas maaga nag sh-show baby bump mo compared nung first time mong magbuntis kasi late nagshow. Naniniwala kayo doon? Sa mga mommies na pregnant for the second, third or more time, at what week nagshow baby bump niyo? Or what week nahalata na buntis na kayo? 2nd pregnancy ko na to and I’m on my 11th week. Napansin ko belly ko, hindi ko mapagtanto if bloated lang ako or baby bump na ba. But usually if bloated, nag f-flat lang din tyan natin at the end of the day diba? Hehe. Pero itong sa akin, parang ang obvious na na buntis na ako. πŸ₯²πŸ˜‚

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same. I'm on my 2nd pregnancy, currently on my 1st trimester at in denial pa ko ng may baby bump na ako. Kasi hitsura ko ngayon same as nung 6 months ko sa 1st pregnancy ko πŸ˜…

Depende pa rin siguro sa body build. I'm currently 14 weeks, and sabi ni hubby may bump na daw ako. Pero feeling ko naman wala, medyo chubby lang talaga πŸ˜‚

pregnant po for my 2nd baby, 3 weeks palang po halata na flat po tummy ko kaso nung di ko pa alam na preggy tinatry ko siya paliitin kaso ayaw talaga haha

1y ago

Ha? Wala pong pregnant ng 3 weeks ante πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ isa pa,kahit quadruplets pinagbubuntis mo,kung nasa 4-5 weeks ka palang,hindi po yan magshoshow kahit anong gawin niyo. Si ante talaga mapagbiroπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

yes true po 2nd pregnancy parang 5 months na siya napapa isip tuloy ako at napapatingin sa salamin ang taba ko na? bilis lumaki ng tiyan ko eπŸ˜‚

same tayo mamsh. 12weeks naman ako parang sobrang laki sa 3months☺️ payat pa nga ako e 47 kilos lang. 2nd baby here.

TapFluencer

I'm on my 16weeks, 2nd pregnancy. pero di masyado malaki tyan ko compared sa panganay ko. Mas malaki yung una ko.

akoh poh png 2nd koh ngyn after nah mgPT at trans v biglang lumaki kht 10 weeks ang 6 days pah lng c baby..

2nd baby ko ngayon, mas maliit ang tyan ko kesa sa nauna. 28weeks na ako para lang akong busog 😭🀣

ako 1st baby ko pa lang to pero nung mga 5 months pa lang ako halata na talaga yung baby bump ko πŸ₯°

depende po cguro Mi...pero ako din sabi ng OB ko parang malaking puson lang na bagong kain☺️