Naka inom ng alak

Hi mga mommies meron póba dito naka inom ng alak during pregnancy? Hindi ko po kasi alam na buntis nako non at 1 month na pala tummy ko mag cause parin po ba ng masama sa baby ko? Cruiseship po kasi yung course ko at nag alcohol tasteting kami ng 20 na alak that time.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako mamsh hihihi .. di ko rin kase alam na buntis ako , pag mag kaka roon kse ako ng means sobrang sakit ng puson at D*D* KO tas msakit sikmura ko then nag pabili ako ky LIP ng R.H then another day bday ng workmate ko mag damag kame nag inum ... then dumating ung time na date ng meanstration ko hindi ako dinatnan ( 1 week ) tas nag try ako mag P.T kse parang kaka iba na ung nrramdaman ko .. at ayunnnnn ( Boooommmmm POSITIVE agad ) tas hndi ako nasyahan nag try ulit ako mag PT at POSITIVE ULIT ... at nag pa ULTRASOUND ako already 7 weeks na pala tyan ko 🤰🤰🤰 .. and Now im currently 31 weeks and 6 days 👶🏻👶🏻👶🏻🤰🤰🤰🤰🤰 at HEALTHY baby Boy 👶🏻👶🏻🤰❤️❤️

Magbasa pa

ako din 1month nadin pala akong buntis nakainom din ako ng gamot na pantigil ng dugo, kasi akala ko mag kakaroon nako ksi nakita ko may blood stain na sa panty ko pero may sports kasi ako non at ayaw ko ng may mens ako kaya ginawa ko uminom ako ng gamot na pantigil sa dugo na nireseta skin ng doctor kasi dugo din dumi ko pantigil lng ng dugo tinry ko kung mapipigil ba non ung regla ko madami na dugo lumabas skin non parang regla na tlga tapos after 1 week nag pt ako ksi suka ako ng suko kaya tinry ko un pala buntis nako 1month na pala positive ako sa pt okay naman daw sabi ng ob ko pero kung gusto mopo tlga makasigurado mag pa CAS kapo un din kasi balak ko eh .

Magbasa pa

Most of the time kung accidental lang naman walang magiging epekto kay baby. Ako nakainom ng mga antibiotic dati at 7 weeks di ko rn kase alam na buntis ako pero after CAS and BPS, oks naman baby ko. Bumawi ka nalang mi alagaan mo sarili mo and magiging anak mo. Drink your prenatal and eat healthy. And dont worry too much

Magbasa pa

hello mommy, ako din nung one month pregnant ako nakainom ako ng alak lasing na lasing ako dahil sa party ng kapitbahay namin noon, okay naman pagbubuntis ko sa baby ko at ngayon mag 2 years old na anak ko wala naman naging problema. think positive everything's gonna be alright ❤️

ako mamshi nakainom din ako hard pa Alfonso tapos cheeser softrdrinks tapos nag gin pa ndii ko Alam going 5months na pala tiyan ko mataba kasii ako Kaya ndii halata saka may PCOS kasii ako Kaya ndii ko alam na preggy ako nun pero ngayon okay nmn ako 7months na Ang baby boy ko 😊😊

Ako mii 😂 April 29 last mens ko, uminom pa ko hapon until early morning during our vacation around 3rd week ng May. Then 1st week ng June confirmed buntis ako haha kaloka! Pero I stopped na right after namin maconfirm, so far okay naman si baby. 32 weeks preggy 😊

ako po sanay kasi ako na lagi ako delayed tapos broken pa ako nun kaya everyday inom 😂 buti nalang safe baby ko due ko na this saturday pansin ko lang maliit lang sya di ako sure kung dahil napainom ako or sadyang maliit lang sya dahil sa panganay ko naman sobrang laki

Oks lng yan mi nung anniversary namin ng partner ko nag inom din ako buntis na pla ako, nanganak na ako sa 1st born ko with CAS ultrasound pa and normal si baby basta as long as malaman mo wag mo na ulitin kase alcohol is not really good while pregnant

yes ako po.. mommy.. diko din alam na buntis ako.. nag inom pa kami ng friend ko kase bday ko. theb after 1 week nag i om ulit ... im 8weeks and 5days now.. makapit naman si baby💗 and i pray na healthy kaming dalawa..

Ako d ko alam 8weeks na pala akong preggy nakainum ako ng soju mga limang bote at nag empi pa kmi,awa na dyos manganak nko nxt month ok nman c baby.