Sobrang nakaka stress na.

Hi mga mommies. Mag share lang ako ng nangyare ngayon. Napagusapan namin na sabihin na sa parents ko na I'm 15 weeks pregnant. But ang nangyare nung nandito na bf ko sa bahay inabot kami ng 6:00 pm ng gabi kakahintay ng chempo kung kelan wala hindi na busy nanay ko pero wala nunh mga oras na yun nawalan na kami ng lakas ng loob na magsabi. Hanggang sa huli umuwi lang sya sa wala. sobrang na iistress na ko sa nangyayare. gustong gusto ko ma sabihin pero alam nyo yun parang may pumipigil sakin na gawin yun. ? Hindi ko na alam gagawin ko. ? Ngayon magkausap kami pero inaaway na nya ko. wala akong magawa iyak lang ako ng iyak dito. ?

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May tamang oras po sa lahat ng bagay at satingin ko naunahan lang kayo ng kaba or takot pero much better na sabihin nyo na kasi mahirap sa buntis ang nastress baka makaapekto pa sa baby. Dasal po kayo maging smooth ang lahat sa una magagalit pero kung nanjan na po unti unti na nila matatanggap :)

VIP Member

mahirap talaga yan sabihin sis pero as long as dalawa kayong maglalakas ng loob magiging okay rin lahat. sabihin nyo na hanggat maaga pa ayaw rin kasi nila ng pinapatagal pa bago sabihin like my mom, bakit dko raw sinabi agad, andyan na yan wala na magagawa.

VIP Member

momshie, much better na ikaw muna ang magsabi. mas lalong magkakaroon ng tensyon kng kasama mo c bf. pag once na sabihin ni nanay na kausapin nya bf mo tsaka mo nlng sya iharap. mas nkkastress pag makikita mo reaksyon nila pag anjan bf mo.

6y ago

I agree po..ganito kasi ginawa ko.ako muna saka pinatawag bf ko at naging maayos nmn na.ngayon legal n kming mag-asawa..ang mahalaga po itama nlang ang mali😊

ganyan dn po ako before..13weeks na nung inamin ko sa mama ko..pray po kayo..bawal po sa buntis ma stress kawawa po si baby..lakasan niyo lang po loob niyo..gat maaga po sabhin niyo na kasi lalaki n po tyan mo..God bless po

Ive been there, on my 1st pregnancy sinabi ko 5months na ko pero nararamdaman na pala nila 1st month delay ako. Ngaun naman, 7weeks namen sinabi simula nung nalaman ko na may hb na si bb tru tvs. Lakas lang ng loob mamsh.

VIP Member

Hello!! Tatagan lang ng loob yan mommy. 20 weeks na baby ko nunh nalaman ng parents namin. Huwag mo stressed masyado sarili mo as long as may concrete plan naman kayo ng bf niyo at maayos niyo mapapaliwanag eh maayos din yan

Wag ka pong mastress. Kahit na wala si bf dyan pwede mo naman ng sabihin yan sa mama mo. For sure matatanggap niya yan. :) kahit anong mangyari, ready ka man ng preggy o hindi, family mo ang unang susuporta sayo.

Sis nahirapan dn ako magsabi inisip ko nlng matutuwa cla kc magkaka APO na sila sakin, ayun umiyak c mama sa bigla. Hindi nmn nila tayo matitiis, matatanggap dn nila. Eto tuwinwg tuwa na sila sa baby ko 😊

Ganyan din po ako dati takot sbhn kay papa na buntis ako. Kaya gnamit ko si mama, ksi pag mama ko snabihan ko naiintindihan lng ako. Kaya sya na nagsbi sa papa ko. 😂

sabihin mo na, kahit ikaw lang. 15w ka na mamsh. mas maaalagaan ka at bebe mo kapag sinabe mo na yan. sa una lang naman sasama loob ng parents mo.