PINALO KO ANG BABY KO

Hanggang ngayon di ko alam kung anong alaga ang pwede kong gawin sa baby ko para lang mabawi ko yung ginawa kong pagpalo sa hita nya nung 1 month old sya. Stress na stress ako, mag isa sa bahay, call center sup ang asawa ko kaya wala sya pag gabi tulog sa umaga. Ako, nagrerecover parin, may time na iyak ng iyak ang baby ko at parang nakafeel ako ng urge na paluin sya dahil sobrang naffrustrate ako. Wala akong katulong mag alaga sa gabi, masakit ang dibdib ko, tumutulo ang gatas, medyo sumsakit pa ang ari ko dahil medyo nagrerecover parin after giving birth at nawalan ng oras para sa sarili ko. Wala ako kahit anong hilot o kahit anomang belief na ginawa. Nabigla ako sa changes ng lifestyle ko dahil anjan na sya. Ewan ko bakit ko ginawa yon pero hanggang ngayon naririnig ko parin yung lakas ng sigaw at iyak nya nung pinalo ko sya sa hita, tuwing titignan ko yung inosente nyang mata na tumatawa tapos titingin sakin na ako yung pinakapaborito nyang tao naguguilty ako sobra. Gusto kong aminin sa asawa ko na pinalo ko yung anak namin pero natatakoy ako kasi alam kong magagalit sya. Ilang beses ko ng niyayakap anak ko pero bakit ayaw mawala nung galit ko sa sarili ko? Anong dapat kong gawin?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka kelangan mo lang talaga sabihin sa asawa mo. State your reasons, na di mo naman sinasadya, na pagod ka na. Tao lang tayo, we can't be perfect. Nagkakamali. Makakatulong na malaman nya, kasi mawawala yung tinatago mo.

5y ago

Para ma alis ung guiltiness sa sarili mo kailangan mong sabihin totoo sa Asawa mopo at sa Diyos nagawa mo. Isang beses lang naman nangyari, ibigsabihin di mo naman gusto gawin yun sa anak mo, beside pinagsisishan mo na. At bilang May asawa kang tao, kailangan alam lahat ng asawa mo tungkol sayo, at maniwala kalang sa Diyos na Patatawarin ka Niya at ng Asawa mo, sa gayon mas magihing malaya kana sa pagka guilty sa nagawa mo. Mahal ka ng Asawa mo, mapapatawad ka niya maniwala ka.❤️

VIP Member

Minsan pag stress na stress tayung mga mommy.. Nakaka gawa NG male.... Kaya nag kaka Sala tayo.. Walang Ibang tutu long sa sarili mo kundi ikaw, ikaw ang mauuna.. Bonus... Nalang king nag aasikaso c mister. ..