Baby Vaccine

Hi mga mommies, kakapanganak ko lang kasi and nasa point kami ni hubby ng decision making kung saan namin ipapa vaccine si baby, wether sa private or sa center? May mga nag sasabi po kasi na same lang daw yun. Please help us po na mas maenlighten kung san mas okay. Or kung meron po dito na mga nag pavaccine sa center or sa private? Pashare naman po ng experience. Salamat po

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung san po ung gusto nyo go lang po.kasi sakin ang diskarte ko po ung mga vaccines na meron sa center dun na lang and ung mga vaccines na wala sa center sa private kasi sayang din ung natipid sa center pde ng ipa vaccine sa private.ang mahal pa naman ng ibang vaccines

Same lang un mamsh. Sa center ko lang pinapa bakunahan ang baby ko. Ung wala sa center sa pedia nya ko ipapagawa. Just make sure na okay lang sa pedia nyo na sa center kayo magpapa bakuna, kung mapag desisyunan nyong sa center ha. May mga pedia kasi na ayaw ng ganun

VIP Member

actually kami sa Pedia talaga but napag isipan namin nakakasaved kong center . dimo sure pag manila area or Luzon and visayas ei madaming tao unlike dito sa Mindanao kasi dito sa Center sa gensan medyo kunti lang sa Center kasi mostly nasa Private yong iba .

VIP Member

kumpleto sa pedia mommy minsan my center na kulang. aq sa center ko pinapavaccine lo ko pra di rin lging byhe bka mkakuha pa ng virus sa labas then kpg my need pang ibang vaccine papa-appointment aq sa pedia.

Ako sa private pedia. Wala eh gusto ni Hubby para daw sure na tinututukan si Baby. At the same time check up na rin if ever may sakit sakit. Tsaka sobrang kapit lang ng hospital samin though pricey nga.

Sa center kasi mommy libre lang atleast tipid pa kesa sa private mapapagastos kapa . Pero nasa inyo padin naman mag asawa ang mag dedesisyon nyan kung afford nyo naman mag private edi Go!

sa akin mamsh sa center.. then kung ano yung wala sa pedia na.. sinabi din naman ng pedia ko na ko sa center, buti nga daw yung ibang mahal ang bayad meron na din sa center mas tipid..

Same lang naman ang ituturok ng pedia sa ituturok sa center. Ang binabayaran nyo sa pedia ay professional fee. Sa center laging bago ang bakuna. Tyagaan lang pumila ng maaga.

TapFluencer

Hi mommy:) yes po same lang naman,baby ko ang check up tlaga nya sa pedia nya pati mga pcv, kasi dito samin walang pcv sa center pero yung ibang bakuna sa center na :)

VIP Member

pareho lang sa center. yung hindi available sa center yun ang i avail mo sa private para maka less ka. Usually donation lang hinihingi sa center