Leaves and WFH Privileges

Hello mga mommies. Im heading on my 6th month na with my pregnancy. Madalas ng sumasakit ulo ko dahil sa work at pagod na rin sa byahe. I would like to know if sa inyong mga offices ba, mapaprivate or public sector, nagaallow ba ng WFH ang inyong offices for those cases din? Thank you. #workingmoms

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako sis permanent wfh po *BPO company. You can ask ur boss or HR if pwd ka ba mag wfh. Ang tanong is may ganun set up ba sa company mo? Mhirap tlaga sis byahe kapag buntis. Ako nun sa eldest ko umiiyak ako kapag nahihirapan sumakay (pre-pandemic). Payo ko sayo sis, Dala ka ng asin at bawang sa bulsa mo lagi. Saka suot ka ng itim ng damit or jacket pangontra. Hnd ko alam if naniniwala ka ba sa mga aswang. Ako nun kasi gnun gingwa ko since paiba iba shift ko before. Hnd natin alam kung ano klaseng tao ba nakkasabay natin sa daan.

Magbasa pa
2y ago

try ko din yan. salamat sa advice sir.

Yes po. Sa case ko dahil araw araw ako nag bbyahe, bumaba si baby tpos naka breech position po. Sabi ng Ob ko posible mag pre term labor daw ako pag lagi natatagtag. Buti na lang yung company ko pumayag na WFH na lang ako. I just provide medical certificate and write a request letter. By the way, 6 months pregnant na din ako. Hopefully next checkup ok na position ni baby..

Magbasa pa

Case to case basis and depending sa nature of work. Ako pagkahalf ng 2nd trimester ko naka wfh na ko, nag request ako ng wfh setup since ayoko na magrisk mag commute. Not allowed sana ang wfh kaso mabait lang yung boss ko na siya na nag insist na mag wfh ako para di daw risky. Ask your hr or your superior if aallow ka niya. Hingi ka din ng request from your ob.

Magbasa pa

Case to case basis sis, kung ang nature of work mo pwedeng sa house magawa mas mataas ang chance na pwede kang WFH. Sa case ko, WFH ako, nagrequest and pinayagan. Kaso dahil high risk, hindi pa ako binibigyan ni OB ng clearance to work kahit WFH. So naka leave ako ng almost 6 months na 😂

sa case ko Po wfh kmi pero may rto paminsan Minsan lalo qng may event at may mga visitors pero my director advised me not to go back to office Hanggang sa makapanganak aq. I suggest kausapin nyo Po hr nyo at makiusap qng pwedeng wfh kau lalo na qng kya nmn Po na wfh na lng mga workloads nyo.

VIP Member

Ako sis wfh once a wk. pag coding kami. Kasi di talaga ko pwede mag commute. Yung work ko kasi puro paper works kaya di talaga pwedeng wfh palagi. So nakiusap na lang ako kahit once a wk lang. If may wfh set up sainyo mi makipag compromise ka nalang. Pwedeng 2-3x a wfh ganon

Hi Mommy, ako din po WFH kasi high risk ung pregnancy. ndi din kasi ako fit na magtravel from Las Piñas to BGC. Pumayag naman ung boss ko and HR i just presented a medical certificate. Godbless mommy, i hope payagan ka din for your baby 😊😊😊

Public school teacher po ako at hindi po allowed samin mag-WFH kahit blended ang modality. Wala rin po akong leave credits kaya kada absent ko ay may kaltas kahit pa nagpa-checkup lang ako o masama pakiramdam.

2y ago

Ayaw po siguro nila mag-sub. 😂 Sakin din po kahit nagpaalam na ko at nag-present ng med cert nung pinag-bed rest ako nang 3 weeks e need ko pa rin magbigay ng activities sa students.

TapFluencer

ako po pinayagan sa work ko na magwfh muna dahil high risk ang pregnancy ko din. syempre with the recommendation of my OB. sa BPO po and fixed na 7am to 4pm ang schedule. buti na lang mabait ang boss ko.

ako 7 mos tumigil wala na sasahurin at hinhintay lang maternity ben. ang panget ng company napuntahan ko as in un leave lang aasahan na 12 days tapos depende pa kung iaapprove .