Lying In Concern

Hello mga mommies! I'm a first time mom po with work and 7 weeks pregnant. Ask ko lang po if pwede magpalit ng lying in for my next check up? Yung lying in kasi na napuntahan ko PhilHealth Accredited sya pero hindi nadaw nila nirerecommend yung PhilHealth sa mga patient nila kundi yung SSS nalang daw kasi mas mabilis daw process at mas malaki daw mabibigay. Wala naman akong problem sa staff ng lying in mababait sila pero gusto ko po sana makuha both ng maternity benefits ko sa PhilHealth at SSS. Kahit maliit lang yung package na makukuha ko for PhilHealth malaking less parin at tulong 'to sating mga mommies.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Go ahead po and change clinic. I don't think trustworthy po iyang clinic na napuntahan nyo. Magkaiba po ang philhealth at sss, wala pong kinalaman sa bawat isa. Wala pong kahit anong benefit na makukuha ang clinic/ hospital/ doctor from sss. Baka po hindi na talaga philhealth-accredited yung clinic na yan kaya dinidiscourage nila ang paggamit ng philhealth sa patients nila. Philhealth is for medical benefits/ discounts. SSS is to compensate for the loss of income ng member caused by their sickness/ pregnancy.

Magbasa pa
10mo ago

Thank you po sa info. Very helpful po!❤️

more on lying in philhealth po ang inooffer nila change clinic nlng mi sayang din ng philhealth eh.