Folic Acid, when to stop taking it?

Mga mommies, ilang bwan n ng inistop or di na nireseta ang folic sa inyo? Kasi etong last check up ko ng Tuesday, wala na sa reseta ko. Napalitan ng ferrous sulfate. Then yung calcium ko naging 2 times a day na. Tsaka yung multivitamins ko naging prenatal multivitamins na. 19 weeks na ko. #firsttimemom

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

To be exact po Mi, ang prenatal multivitamins po ay may Folic pa rin pong kasama (usually nasa 400-600mcg ang dose) yung folic acid lang yung as in yun lang talaga laman ng capsule , yan po matataas ang dose (5mg dose etc) na mas common tinitake during 1st trimester, esp if may episodes of bleeding or di pa makita cardiac activity ni baby, or yung sac pa lang, etc or before magbuntis (lalo may history ng miscarriage, stillbirth..) kaya po minsan o madalas naririnig ninyo na mas okay magtake ng folic acid lalo kung planning na talaga magbuntis. Ako po until 2weeks postpartum, pinagtake pa rin ni OB.. Best tandem din ang ferrous at folic sa tissue at blood health both ni mommy and baby. So technically, wala naman po specific months kelan ka papahintuin. binabawasan lang po yung dosage (from 5mg to 400mcg for example lang) depending sa status ng pregnancy. Yung calcium supplements, exactly by 2nd trimester binibigay usually, and minsan double dose pa since yun yung stage na lumalaki si baby at magimprove yung bones nya as well as yung bones mo rin kasi 2 kayong need ng calcium- lalo kung di ka mahilig sa milk, nuts, lean mean, cheese and green leafy, mga good sources of calcium kasi yan. Kaya dont worry po and trust your OB po 😊

Magbasa pa
VIP Member

If wala na sa reseta, oks na un mi. Sakin at 12wks pinastop na. Sa friend ko nalaman nya na preggy sya 12wks na, di na sya pinag take. Wala naman masama sa pagtake pa din til manganak pero di na sya gaanong essential kasi. Sa 1st 12wks kasi sya super important. Same tayo, prenatal multivits, 2x calcium and ferrous na.

Magbasa pa

Ask your OB na din po kahit text mo lang siya paconfirm mo kasi may ibang vitamins may content ng Folic kaya pinapastop na.. Bawal din maoverdose kasi ang folic.. Halimbawa ang ferrous ay Hemarate fa may content na yun folic.

until wla pa pong advise si ob qng magpalit. pero I suggest bili lng Po kau gamot saktuhan Hanggang next check up. ganun Po ginagawa ko. bili n lng ulet once inadvise ni ob na I continue.

pinpatigil ba un? ako e lahat ng prenatal ko until now e continious pa din hahahaha wala snsbe si ob e kaya siguro si baby super tigas ng buto kapag nasipa

alam kopo hanggang 14 weeks lang po ih then papalitan napo sya ng multivitamin at ferrous sulfate. hanggang maka pag delivery ka

ako nung mga nasa 20weeks ata ako non nagstop yung ob ko mag bigay ng ganyan calcuim lang yung nireseta nya sakin

sabe ng OB ko continue lang ang folic acid at calcium hanggang sa manganak na.

di ko mbasa yung other replies. yung isang anonymous lng mbasa ko

Hindi pinastop ni ob yung folic sakin hanggang 3rd tri