negative comments

Mga mommies, how do you deal with negative comments on your babys appearance? Sinasabihan kasi parati ng mom ko na maitim ang anak ko at pisat ang ilong. Di ko alam kung nang aasar lang siya o sinasadya nya talaga. Nakakainis lang kasi , diba baby yan at apo niya... Tapos siya pa itong malakas manglait. Iniisip ko nalang na matanda na kasi siya(53yrs) kaya ganyan pinagsasabi nya.. Pero yung mama(60+yrs) naman ng asawa ko hindi sinasabihan nang mga ganon ang baby ko..

negative comments
156 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag ka ma bother sa sinasabi ng mother mo sis. Same here haha ganun din sinasabi ng mother ko sa baby ko pero maayos naman relationship namin. Para sakin sinasabi lang nila yun para malaman ng iba na aware tayo kaysa makarinig sya sa iba ng negative. Second, yung mother ko kasi prangka at hindi sya ma pag angat kahit pa minsan mas angat naman talaga ang baby natin hinihintay nya na lang ibang tao ang magsasabi. Hayaan mo nalang si mother mo maybe way lang din nya un para mag lambing. Hindi pa naman talaga yan ang mukha ng baby natin aware sila mother na magbabago pa yan. 😊 Eto baby ko sinasabihan din ng Lola nya neggy (negra) at pango.

Magbasa pa
Post reply image