negative comments

Mga mommies, how do you deal with negative comments on your babys appearance? Sinasabihan kasi parati ng mom ko na maitim ang anak ko at pisat ang ilong. Di ko alam kung nang aasar lang siya o sinasadya nya talaga. Nakakainis lang kasi , diba baby yan at apo niya... Tapos siya pa itong malakas manglait. Iniisip ko nalang na matanda na kasi siya(53yrs) kaya ganyan pinagsasabi nya.. Pero yung mama(60+yrs) naman ng asawa ko hindi sinasabihan nang mga ganon ang baby ko..

negative comments
156 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo momsh ang 2nd anak ko nung lumabas di mo maintindihan ang itsura. Maitim siya na may pagka violet at yellow, flat din ang ilong. Nung una ko siyang nahawakan sabi ko "anak ko ba to? Baka na palitan to ha!" Tumawa lang yung nurse, pero siyempre minahal ko ang baby ko talaga. Yung papa niya matangkad, matangos ang ilong sobra (may pagka Spanish ang lahi kasi), Maputi at chef(explain ko maya bakit nasali pagka chef niya) din siya momsh. Ako naman gandang ganda sa sarili hahaha, matangos din naman ilong ko at maputi. Pero yung anak ko moreno at flat ang ilong. 10yo na siya ngayon momsh pero malusog (mataba hehe), malambing at higit sa lahat marunong magluto, nagmana sa papa niyang chef☺️ Pag nagka kasakit ako matic yan pupunasan niya ko, hihilutin at paglulutuin. I'm 4mos preggy now at siya nagluluto ng breakfast ko lagi (minsan breakfast in bed pa pag tinamad ako hehe). Magalimg din sa art at curious na bata. Kung anu ano tinatanong minsan wala na akong maisagot haha.. Nakakaproud ang anak kong to momsh. Kaya hayaan mo na yang mama mo kasi yung mama ko ganun din siya sa anak ko mapanglait pero mahal na mahal niya. Minsan kasi iniexpect nila na pag labas ng baby gwapo o maganda agad. May mga baby naman na di ganun pag labas pero paglumaki na lintik lang ang nanglait momsh! Gumwapo nga tong anak kong nilalait eh. Talagang magtatanong mga tao kung kanino ba talaga nagmana. Luh! Niloloko ko minsan sinasabi ko sa kapit bahay haha.. Pero sa palagay ko sa lolo nagmana kasi ganun features niya eh. Pag laki ng anak mo momsh sigurado mapapahiya ang nanglait niyan kaya wag mo masiyadong pansinin mga lait na yan. You know for sure that every child is a gift from above. May pangit bang ginawa ang Diyos? Tao lang ang mapanghusga kaya may pangit. Enjoy your gift momsh😊❤️

Magbasa pa