negative comments
Mga mommies, how do you deal with negative comments on your babys appearance? Sinasabihan kasi parati ng mom ko na maitim ang anak ko at pisat ang ilong. Di ko alam kung nang aasar lang siya o sinasadya nya talaga. Nakakainis lang kasi , diba baby yan at apo niya... Tapos siya pa itong malakas manglait. Iniisip ko nalang na matanda na kasi siya(53yrs) kaya ganyan pinagsasabi nya.. Pero yung mama(60+yrs) naman ng asawa ko hindi sinasabihan nang mga ganon ang baby ko..
Hi sis, so far hndi naman ako nkarinig ng nega from my family. Siguro pag meron man nagsabi, hndi ako magiging affected kasi close tlaga kme ng fam ko at para sakin biro lng yun. Siguro sis wag mo nlng dibdibin pag ganon.
Don't mind them momsh ☺️ Maliit pa si baby marami pang pag babago Ang magaganap. Naranasan ko rin Yan sa mga anak ko, nong baby pa sila mukha silang lalaki pero habang lumalaki gumaganda sila. ❤️
Ganyan talaga sis. Kasi kumportable nanay natin satin. Kahit mommy ko o mga tito ko niloloko anak ko na flat un ulo or malaki daw ulo pero hinahayaan ko na lang. Hehe basta para sakin e pogi anak ko 😊
Wag mo nlng po seryosohin naglalambing lang si mother.. Whatever po yung qualities ng babies natin blessing po yan from God. Pantay pantay po tayo sa paningin nya. We are all unique po kaya smile lang.
Normal lang yan sa parents natin pero wag ka dun mag judge. Tumingin ka padin kung pano nya itrato baka naman super spoiled pero nabubulag ka sa sinasabi nya. Minsan lambing lang pala nya yun sa apo nya
just try to dont mind it ipakita mo lng na masaya ka . at be thankful dahil isa ka sa mga nabiyayaan na mgkaroon ng anak . . and di uso pisikal . . maging proud at mapagmahal na ina ka
Shrugging off. I really don't care or give attention about what others say with my little one's appearance. I guess I will only give care if the appearance they are talking about is a health concern.
naku mommi minsan sarap sapakin Noh. sakin Naman issue dahil antapang nang mukha Babae pa naman din. sagot KO sa kanila eh kanino PBA Yan magmana nananapak ang nanay😂😂 biniro KO din .
Magbasa pahello mamsh honestly ang ganda nga baby mo eh. baka biro lang yun ng lola niya sakanya if ever naman ignore mo nalang ang importante healthy at punong puno ng pagmamahal mo si baby ❤
Same here. Tinatawag pa ngang undin ng mother ko yung bunso ko. Nadinig minsan ng asawa ko at nagalit sya. Sabi nya sa susunod na tawaging undin anak namin lalaitin nya din ibang pamangkin ko. Hehe.