156 Replies
Alam mo momsh ang 2nd anak ko nung lumabas di mo maintindihan ang itsura. Maitim siya na may pagka violet at yellow, flat din ang ilong. Nung una ko siyang nahawakan sabi ko "anak ko ba to? Baka na palitan to ha!" Tumawa lang yung nurse, pero siyempre minahal ko ang baby ko talaga. Yung papa niya matangkad, matangos ang ilong sobra (may pagka Spanish ang lahi kasi), Maputi at chef(explain ko maya bakit nasali pagka chef niya) din siya momsh. Ako naman gandang ganda sa sarili hahaha, matangos din naman ilong ko at maputi. Pero yung anak ko moreno at flat ang ilong. 10yo na siya ngayon momsh pero malusog (mataba hehe), malambing at higit sa lahat marunong magluto, nagmana sa papa niyang chefβΊοΈ Pag nagka kasakit ako matic yan pupunasan niya ko, hihilutin at paglulutuin. I'm 4mos preggy now at siya nagluluto ng breakfast ko lagi (minsan breakfast in bed pa pag tinamad ako hehe). Magalimg din sa art at curious na bata. Kung anu ano tinatanong minsan wala na akong maisagot haha.. Nakakaproud ang anak kong to momsh. Kaya hayaan mo na yang mama mo kasi yung mama ko ganun din siya sa anak ko mapanglait pero mahal na mahal niya. Minsan kasi iniexpect nila na pag labas ng baby gwapo o maganda agad. May mga baby naman na di ganun pag labas pero paglumaki na lintik lang ang nanglait momsh! Gumwapo nga tong anak kong nilalait eh. Talagang magtatanong mga tao kung kanino ba talaga nagmana. Luh! Niloloko ko minsan sinasabi ko sa kapit bahay haha.. Pero sa palagay ko sa lolo nagmana kasi ganun features niya eh. Pag laki ng anak mo momsh sigurado mapapahiya ang nanglait niyan kaya wag mo masiyadong pansinin mga lait na yan. You know for sure that every child is a gift from above. May pangit bang ginawa ang Diyos? Tao lang ang mapanghusga kaya may pangit. Enjoy your gift momshπβ€οΈ
okay lang yan momshie. wag mo po masyadong dibdibin.. baka po biro lang po yun, wag kang masyadong magpaka stress sa ganyan, maganda namn yung baby mo kaya baka biro lang yun, kasi sa halip na sabihin niya ay magaganda, kasalungat yung sinasabi niya, kasi ganyan naman tayo minsang mga pinoy ang hilig mang asar kahit hindi naman talaga totoo yung pinagsasabi natin. kasi ako nung ang liit pa nang tyan ko, nahiligan ko na asarin yung pamangkin ko na pisat yung ilong, kasi ang sarap niyang asarin, napaglihian ko ata hahah, pero na kyu-kyutan kasi ako sa kanya. tapos kaming mag pinsan eh matatangos ilong namin, tapos yung pamangkin ko, e nagmana sa ilong dun sa mama niya. pero kahit ganun ilong niya e maganda naman sya. at ang sarap asarin kasi umiiyak.pero parang napaglihian ko lang sya non.kasi habang lumalaki tyan ko, eh di na ako nang aasar sa kanya. sadyang noon, gandang-ganda ako sa pamangkin ko na yun, pero maganda namn talaga sya kahit ilong niya.. tsaka momsh, okay lang kung pisat, ang importante, healthy yung baby mo, at nakakahinga. yan nlang isipin mo at wag kana magpaka stress.
Ganyan na ganyan din mama ko. Sabi niya, sobrang itim daw ng anak ko, lapad ng ilong, eh babae pa naman. Tapos pinagkwi-kwento pa nya sa ibang tao na ang anak ko daw maitim. Huwag ko daw dadamitan ng maganda yung bata kasi maitim naman. Yung mga kamay lang daw at kuko ni LO ang maganda. Hindi ko na lng pinapansin minsan pero deep inside masakit.π Sa mismong mama ko pa nanggaling ang mga katagang yun. Madalas niya pa ikumpara sa iba, buti pa daw ibang bata maputi tapos maganda. Yung anak ko daw pangit. Sa lahat kasi ng apo niya, anak ko lang tlga dark ang skin color. Maitim din kasi asawa ko kaya di naman ako magtataka kung bakit maitim din baby girl ko. Manang mana kasi siya sa papa niya. Ang sakit lang na kadugo mo mismo ang mangda down sa anak mo.π Ignore mo na lang po momsh, kahit nakaka depress din minsan. Magbabago din po kulay niya. LO ko medyo naglighten na ang color nung 5months na siya.
Its normal to feel hurt when someone says something negative about your child specially so if he/she is a family member. Never allow that to be the reason to be depressed nor to be angry with her. Remember: 1. Her opinion does not define who your child is. 2. She may count the seed in the apple, only the Lord can count the apple in the seed. 3. Your child is priceless and full of God endowed potentials. Her opinion alone cant change that. 4. She is bittter about life. Her worldview is distorted. In short its not your child's issue, its her issue. Renew your mind mommy. Never allow other's opinion to destroy or steal the best in youπ
Wag ka ma bother sa sinasabi ng mother mo sis. Same here haha ganun din sinasabi ng mother ko sa baby ko pero maayos naman relationship namin. Para sakin sinasabi lang nila yun para malaman ng iba na aware tayo kaysa makarinig sya sa iba ng negative. Second, yung mother ko kasi prangka at hindi sya ma pag angat kahit pa minsan mas angat naman talaga ang baby natin hinihintay nya na lang ibang tao ang magsasabi. Hayaan mo nalang si mother mo maybe way lang din nya un para mag lambing. Hindi pa naman talaga yan ang mukha ng baby natin aware sila mother na magbabago pa yan. π Eto baby ko sinasabihan din ng Lola nya neggy (negra) at pango.
Yung mga tao minsan hindi natin maiwasan na maging mapansin o mapag komento. Nakakasama lang ng loob kasi nanggagaling pa ito sa mga taong malapit sa atin at ineexpect natin na hindi gagawa ng ganun sa atin. Naiintindihan kita mamshie kasi ang mama ko ganyan na ganyan. Alam ko naman na special ang anak ko,madaming maganda sa kanya at mahal na mahal ko siya.ang importante healthy siya at walang sakit. Un nalang ang isipin mo mamshie. Be thankful nalang sa mga bagay na meron si baby. Like,if mabait,matalino,malambing,hindi nagkakasakit at healthy.kaya dedma nalang ako sa mga sinasabi niya.
yan baby ko mams wala akong pakialam sa mga tao kung ano ang sabihin nila basta para sa akin maganda ang anak ko, wag mo yan pansinin minsan kasi mga mama natin ang daming pinaghahambingan , hinahambing skanila, sa atin at sa ating mga asawa o kung kanino sa pamilya ntin.walang halaga lahat ng sinasabi nila sa paningin at pagmamahal ntin sa mga anak ntin. thank you ka pa din sakanila isipin mo yun ang pag ka appreciate nila kay baby, o compliments nila sa angel mo, ang ganda2 ng baby na yan eh. πππ
don't mind sis π alam mo baby ko lagi sinasabihan na pango ng family ko. Walang ilong Ganyan peo I always look at the brighter side. πβ€οΈπ€ Ganun lang nila siguro lambingin Ang baby ko. Natural kasi satin na Pag nilait anak natin magagalit tau . Kaya pag lagi sinasabi mama mo Yun sabihan mo nga "Mahirap naman na Kung matangos pa ilong ng anak ko di Ang perfect na niya" . Ganun lang sisπ€π Para matawa siya mawala badvibes.ππ π€
Your baby po is as perfect as God created her ;) wala lang po masabi mom mo. Don't mind her. Basta maganda tingin mo sa anak mo, hanggang oag laki nya yun ang paniniwalaan nya at yun ang magbuboost ng moral nya... I did it to my sister po and will do it to my daughter din =) pangit din ang tingin sakin ng tatay ko simula bata ako, kaya wala akong bilib sa sarili ko at sobrang mahiyain ako before. Pero natuto ako. keep safe mommy. Hug kay baby π€
wag mo nalang pong pansinin mommy. nung paglabas din ng anak ko nuon maitim talaga sya. ngtataka byenan ko bakit daw maitim pati asawa ng ate ng asawa ko Sabi Ang itim ng anak ko eh sya itong sobrang itim din. Sagot ko nalang pinaglihi ko kasi sa chocolate pero ngyong 6 years old na anak ko Ang puti2 na nagtataka nnmn uli sila hahaha. Ewan ko ba sa mga taong Yan.