MARITAL PROBLEM

Mga mommies hingi lang ako ng advise. 2yrs palang kaming kasal ng asawa ko.May mga time na nagtatalo kami.Alam ko normal naman yun.Kaya lang nagiging paulit ulit na yung issue.May pagka perfectionist kasi ko.Konting bagay lang daw napapansin ko.Sinusubukan ko namang pigilan.Kaya lang yun na yung natural na ako.Most of the time di ko maiwasan. Ang gusto nya magpacounseling kami.Para daw mas maging maayos ang pagsasama namin at maitama ang mali. Di ko alam bakit natatakot ako.Pakiramdam ko anytime iiwan ako ng asawa ko dahil sa imperfections ko. Before kasi may anger problem din ako.Di ko makontrol.Pero unti unti ko namang nabago. Ang kinakasama lang ng loob ko eh tuwing may ayaw sya sakin madalas nyang sabihin na magpatingin kami sa psychiatrist/psychologist.Wag ko daw tingnan yun as negative. Nakikita ko naman point nya.Pakiramdam ko gusto nyang ipakita sakin na may something talaga sakin.Eh sa nakikita ko hindi lang naman ako ang gantong babae.May mas matindi pa sakin. Pero syempre gusto ko namang maging maayos ang pagsasama namin. Hindi ko mashare to sa parents ko dahil ayaw kong mag alala sila tungkol samin.Nakabukod kasi kami sa mga magulang namin kaya kami lang 2.Wala akong mapagsabihan.Di din ako pala open sa mga kaibigan ko tungkol sa buhay naming magasawa. Na i stress na ko.Sa panahong to plano pa naman naming mag baby na. 30 yrs old na kami pareho.Di ko alam kung idedelay muna namin yung pag be baby para ayusin yung issue naming 2.o itutuloy na dahil gusto na rin namin at nang meron na kaming pagkaabalahan bukod saming dalawa. Thanks in advance for your advises.

1 Replies

Mahirap nga yan mamsh. Hindi kasi pwde controlin nating ang mga asawa natin and try to be considerate. Hindi lahat ng tao kayang sakyan or intindihin ang mga gusto natin. Nung minahal mo yang asawa mo dapat tanggap mo din ung asawa mo kung ano sya. Ang mahirap jan, makahanap yan ng girl na handa syang intindihin at tanggapin baka ma fall pa sya dun. Yan ang consequence. Pag sa tingin mo makatulong ang pag consult sa expert why not give it a try.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles