Planning to be a single mom.
Mga mommies, hindi ko naman gusto makioaghiwalay sa bf ko pero parang nais ko na siyang gawin kasi sa tingin ko hindi kami magkakatuluyan sa huli and pakiramdam ko palagi niya lang akong lolokohin. Tulad ngayon, di siya online galing from work sabi niya naconfiscate ung phone niya. 6 years nako sa call center pero never akong nakakita na naconfiscate yung phone and ibabalik sa next shift mo. And to think na siya eh 2 weeks palang sa call center. Ewan ko ba kung praning lang ako dahil 3 mos PREGGY ako or talagang natatakot lang ako at gusto ko nalang isave yung buhay ko sa miserable life ahead. Aantayin ko nalang ba siya na lokohin ako or magdesisyon nako na maghiwalay kame? Kaya naman maging single mom of two diba?