Mga mommies, gusto ko po sana ishare kung normal pa po ba timbang ng baby ko?. 2years and 5mos pa lang kasi baby ko pero sobrang bigat nya na 26.5 kilos na sya pero matangkad naman. Madalas di makapaniwala nakakakita sa kanya na 2years old pa lang sya healthy foods naman po kinakain, mahilig po sa gulay at isda bihira na rin sya uminom ng gatas malakas po sya kumain ng kanin. Isa na rin sa problema ko wala na po magkasyang diaper sa kanya pinagtitiyagaan na lang po XXL EQ dry kahit po masikip.. bibong bata rin sya..
Ano pong sabi ng pedia nya? Need mo lang naman mag-adjust if obese or overweight sya. Saka kung yung bigat nya ay galing sa masustansyang pagkain, good job ka mommy! Hindi lahat ng bata kumakain ng gulay at fish :)