Hi mga mommies! Gusto ko lang sana mag share kasi yung husband ko panganay siya sa mag kakapatid. Bale 5 sila pero yung 2 pa sa kapatid niya may mga pamilya na din.
Nakakatampo lang kasi hindi naman sa pag dadamot pero sempre may pamilya na din naman kami, lalo ngayon nag lalabor ako at this moment. Ang gusto ng kapatid niya mag pakuha ng pera sa gcash tas dadalin dun sa inuutangan niya. (Btw, andito kami ngayon nakatira sa side ko) Ang inaano ko lang, nag lalabor na ko lahat nag uutos pa din, tas pag hindi sila napag bigyan kung anu anong masasama at masasakit na salita ang sasabihin. Kaya yung asawa ko pinag bibigyan nalang din sila.
May pamilya na ang asawa ko, kami yun. Sempre pag kelangan namin siya di ba dapat mas unahin kami, eh may mga pamilya na din naman yun mga tao sa kanila. Hindi yung kunyare may importante kaming ginagawa tas ang gagawin mag papasuyo na sunduin sila tas ihatid sila at nag hahadali pa. Pakiramdam ko kasi hindi kami pamilya pag ganun. Hehe
Ngayon nag lalabor na ko, nakakahiya naman kung mag papaasikaso ako sa mga tao dito na hindi ko na kaya, kelangan ko mag pahimas sa likod, mag paalalay, mag pasama, pero yung asawa ko nasa labas inutusan ng kapatid. Gets niyo mga momsh? Sa totoo lang yung labor ko ngayon di ko na maiiyak kahit masakit, mas naiiyak ako sa sitwasyon ko.
May problema din kasi dito yung asawa ko, parang mas okay pa sa kanya na uunahin iba kesa kami. Ngayon habang hinihintay yung kapatid niya na mag chat bago ipakuha sakanya yung pera, ang ginagawa nag lilinis lang ng motor niya. Gusto ko umiyak ng sobra ang sama ng loob kom #1stimemom