Pag bukod sa in laws

Hi mga mommies gusto ko lang po ng advice sana matulungan nyo ako. 7 months na ang nakalipas simula nung nanganak ako, at eto kami ni mr. Nakikitira sa bahay ng parents nya. Pero ang parents nya ay nasa korea pareho. Bale ang kasama lang namin dito is yung katulong at kapatid nyang babae na senior high. Bata pa kami oo nasa 23 years old kami, wala pa kaming sariling bahay, pero pareho kami nakapag tapos ng college at kinasal na rin kami. My problem is, pinagtatalunan naming mag asawa ang pagbubukod. Ako kasi gusto kong bumukod kapag umuwi na yung parents nya dahil ayokong makisama sa in laws, kahit pa sabihin na mababait sila. Ayoko pa din. Si Mr. ay seaman pero hindi pa sya nakakasampa sa ngayon at wala pa kaming ipon. Ang gusto nyang mangyari ay dito muna kami ni baby habang nasa barko sya. Magiipon daw muna kami saka na kami bibili ng bahay dahil sayang daw kapag nangupahan pa kami. (gusto ko kasi umalis dito at mangupahan kami) Naguguluhan na ako, ayokong makasama ang inlaws ko dahil ayokong may matang laging nakatingin sakin. Yun yung pinapaintindi ko sakanya pero ang judgemental ko naman daw. Subukan ko daw muna makasama at kilalanin ang mama nya. Pero ako ayoko, kahit gano pa kabait yan, iba pa din yung nakabukod. Yun ang hindi nya maintindihan. Sa tingin nyo, sino ba saamin ang tama? I need your advice dahil na stress na ako. #advicepls #pleasehelp

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

stay muna. 😊 may point mister mo.

Try mo muna makisamA

.

.

.