Pag bukod sa in laws

Hi mga mommies gusto ko lang po ng advice sana matulungan nyo ako. 7 months na ang nakalipas simula nung nanganak ako, at eto kami ni mr. Nakikitira sa bahay ng parents nya. Pero ang parents nya ay nasa korea pareho. Bale ang kasama lang namin dito is yung katulong at kapatid nyang babae na senior high. Bata pa kami oo nasa 23 years old kami, wala pa kaming sariling bahay, pero pareho kami nakapag tapos ng college at kinasal na rin kami. My problem is, pinagtatalunan naming mag asawa ang pagbubukod. Ako kasi gusto kong bumukod kapag umuwi na yung parents nya dahil ayokong makisama sa in laws, kahit pa sabihin na mababait sila. Ayoko pa din. Si Mr. ay seaman pero hindi pa sya nakakasampa sa ngayon at wala pa kaming ipon. Ang gusto nyang mangyari ay dito muna kami ni baby habang nasa barko sya. Magiipon daw muna kami saka na kami bibili ng bahay dahil sayang daw kapag nangupahan pa kami. (gusto ko kasi umalis dito at mangupahan kami) Naguguluhan na ako, ayokong makasama ang inlaws ko dahil ayokong may matang laging nakatingin sakin. Yun yung pinapaintindi ko sakanya pero ang judgemental ko naman daw. Subukan ko daw muna makasama at kilalanin ang mama nya. Pero ako ayoko, kahit gano pa kabait yan, iba pa din yung nakabukod. Yun ang hindi nya maintindihan. Sa tingin nyo, sino ba saamin ang tama? I need your advice dahil na stress na ako. #advicepls #pleasehelp

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis! We're in the same situation, seaman din hubby ko and I'm 5 months preggy ngayon. Nakikitira din kami ngayon sa bahay ng parents nya. Bago pa kami magpakasal, sinabi ko na tlga sa kanya na ayokong makitira sa parents nya o sa parents ko, gusto kong simulan ang married life namin na kami lang tlga so hanap2 na kami ng prospect na titirhan, prospect budget and all other things. Since wala pa nman kaming bahay, dito muna kami tumira sa parents nya while preparing for the wedding and even after that, later on nakapag adjust nman na ako sa pagtira dito sa bahay ng parents nya and I'm so blessed na sobrang bait ng family nya even titas nya na kapitbahay lang nmin but of course na sakin pa din yung idea na bumukod kami kasi yun tlga ang gusto ko. Until recently, I decided na dito nlng muna kami mag stay, factors that I consider are, malapit na sumampa ulit si hubby at wala sya dito pag nanganak ako sinong magiging katulong ko pag bumukod kami? Another factor, sa pagdating ni baby mas lalaki ang monthly expenses na kelangan laanan ng budget. Inisip ko na unahin nlng muna ang mag ipon para sa future bahay and other things like emergency fund, insurance, and investment/business kasi di nmin magagawa agad yun pag bumukod na kami as early as now na wala pang ipon. Alam kong mas magandang bumukod ang mag asawa pero why not pagbigyan mo ang hubby mo na makitira muna sa inlaws mo for the mean time? Timbangin mo ang mga pros and cons ng situation mommy and the possible consequences. Pag usapan nyong mabuti ng hubby mo. God bless your family! 😊 PS. Sorry ang haba neto, nakarelate lang ako. 😁

Magbasa pa

Sa akin po mas maganda talaga na bumukod kayo ng Mr. mo. lalo na ang balak nya ay pag nakasampa sya ng barko ay iiwan kayo ng anak mo sa inlaws mo. Mahirap yon kc wala sya. Tsaka mas makakagalaw ka ng maayos pag nakabukod kayo. Mahirap talaga makisama sa inlaws kahit gaano pa sila kabait. Iba padin yung may sarili kayong bahay kahit umuupa lang mas makakakilos ka ng maluwag, walang magdidikta sayo, hindi ka maiilang sa kilos mo. Sana maipaintindin mo yan sa Mr. mo tsaka kaya nga kayo nagpakasal at nag asawa para tumayo sa sarili nyong paa eh hindi yung umasa sa magulang. Pag nakasampa sya kaya nyo na umupa at the same time mag ipon nadin. Atleast may peace of mind ka mas importante yon.

Magbasa pa
TapFluencer

Mahirap makisama sa inlaws even sa own family, kasi lahat ng pagpapalaki mo sa anak mo, pakikialamanan nila. Hindi namn sa walang respeto pero mahirap din kasi kapag ayaw mo nung way nila at ayaw nila ng way mo. Tapos may mga bawal pa, at hindi ka din makakakilos ng maayos. Kami nakikisama din ako sa inlaws, at dun ko lang nalaman na mas okay ang bumukod. Sa saturday lilipat na kami, lahat kasi ksama namin sa bahay. So ang ending, ako hindi ko alam nong uunahin ko dhil may rules sa bahay nila na clean as you go kaso paano pag umiiyak na talaga si baby at kailangan iwanan yung mga ginagawa mo? Diba? At yun ang reason ng not in good terms namin ng kuya ng partner ko.

Magbasa pa

for me po may point si Mr. niyo po ay may point rin naman po kayo pero isipin niyo rin po na hindi pa nakakasampa ang Mr. niyo po at sa hirap ng buhay ngayon di o ba mas maganda na ipriority niyo po muna ang pagiipon para sa baby niyo po at para sa future niyo po.. mahirap po tlga makitira sa in laws trust me ksi ako rin currently nakkitira sa in laws and trust me gustong gusto ko na rin bumukod pero isipin niyo nlng po na once may sapat na kayong ipon instead na mangupahan baka makabili pa po kayo ng sarili niyong bahay at sasakyan think about your future po.. 😊

Magbasa pa

May point si Mr. considering mahirap ang buhay ngayon since pandemic, ung ipapangbayad nyo sa rent once ma ipon pede nyo narin naman pambili ng bahay yun o for the baby since sabi mo narin na hindj pa sya nakakasampa. Tiis lang muna, mahirap din talaga pag kasama inlaws since di maka galaw ng maayos & may makikialam talaga kung pano mo palakihin si baby, Same din sa situation namin although baliktad lang since sa parents ko kami nakikitira. Baka pede nyo namang pag usapan ng inlaws mo yan sis, pede ka mag latag ng kung ano gusto mo mangayre para aware din sila.

Magbasa pa
VIP Member

kung mabait ang inlaws mo, walang problema n makasama sila. mga mata? oo gnun tlaga. kc wala nmng perfect na tao. khit nmn bumukod ka o hndi eh my. mssabi rin nmn sayo. ang payo ko, jan k nlng muna. kase mhirap n dlwa lang lau ng baby sa bahay n uupahan or llipatan mo pag nka alis yang asawa mo. khit n sbhin pa n my yaya ka n makaksama, mhirap pa dn. hndi mo masasabi. mdming msasamang loob ang ngkalat. tama sia, try mo muna... wala nmn mwawala. kung hndi mo talaga mkasundo inlaws mo, de lumipat ka. pero tama sia subukan mo muan.. ang hirap dn ng mag iisa sa bahay

Magbasa pa

sa ngayon po intindihin mo muna hubby mo momshie, may point nmn po sy need nya muna makaipon para makapagbukod kayo. sabi mo nga di pa sya nakakasampa sa barko at wala pa kayo ipon, kaya ang mangyayari tiis ka muna sa mga byenan mo. hnd mo nmn pede ipilit agad na makapag bukod kc wala pa kayo ipon magasawa. ok sana kung ikaw may ipon ka pede na kayo bumukod. naiintindihan din kita sa sitwasyon mo kahit ako ayaw ko din tumira sa byenan ko pero sabi nga ni hubby sa ngayon tiis muna hanggang sa makaipon sya mangyayari din gusto ko na makapag bukod kmi. 😊

Magbasa pa
VIP Member

For me mamshie same naman kau may point pero sa situation nyo kasi ngaun mas nakikita ko may point si hubby mo. Lalo na wala pa nga kayong sapat na ipon para makapag bukod. And like sabi mo mamshie kahit ok naman mga in laws mo bigyan mo din chance muna na makasama sila. Atleast dun mo talaga masasabi kay hubby mo na ni try mo naman kaso hindi talaga nag work saka ka po mag push mamshie na need nyo talaga mag bukod na. I Pray for peace of mind mamshie❤️🙏

Magbasa pa

Try niyo po muna tumira sa inlaws niyo. Tama hubby mo mamsh, Why not subukan mo muna makisama. Baka naman kasi akala ko lang mahirap. Pero kapag nakisama kana sa kanila okay naman pla. Been there, Si hubby ayaw na ayaw din makitira sa bahay ng parents ko kesyo di kame makakagalaw ng maayos pero nung sinubukas niya, Okay naman. Nasa pag aadjust lang din. Besides, sayang din kasi yung gastos sa ipang uupa. Ipunin niyo nalang para sa pagpapagawa ng bahay niyo. 😊

Magbasa pa
VIP Member

naexperience ko din na tumira sa bahay ng parents ng asawa ko after ko manganak nuong sept. 2020. mababaet naman parents niya pero ung pakiramdam prang ang bigat tapos yung kilos mo prang lagi nila tinitingnan kaya sinabi ko na asawa ko na umuwi nalang kami sa bahay ng parents ko (wala na mga magulang ko kaya kami na nakatira doon) sabi ko kahit mahirap ok lang basta bumukod lang tayo.

Magbasa pa