I guess it's goodbye

Hi mga mommies.. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na sumagot sa mga posts ko, sa mga advise, suggestions and everything under the sun. Maaaring yung iba sa inyo ay familiar na sakin dahil sa mga posts ko na nakakalito. At hindi ko naman kayo masisisi. Masaya ako and na nging member ako ng TAP and in a span of 2 months lang, naging VIP member na agad ako. Pang 3months ko plang ngayon. At in that short period of time, masasabi kong mdami akong natutunan at natututunan pa, lalo na at trying to conceive ako for a very long time. Masaya akong nagbbasa ng mga advises and comments ng ibng mommies sa mga fellow mommies din nila. At lalo na masaya ako kapag nakakakita ng mga babies and preggy mommies. Bakit ko sinasabi to? Well... Ok i admit..,may pinagdadaanan ako ngayon. And hindi mdali para sakin na magdeactivate or magleave or iremove ang app na to. Alam ng Dyos na gustung gusto na naming magkababy na magasawa at hindi na mabilang ang iniiyak ko at ang lungkot at pagkadepress na pingdaanan ko sa twing buwan buwan na nagkakaroon ako. At hbng nakakakita ako ng mga babies dito, or kahit picture lang ng positive pt or picture ng ultrasound, mas nrrmdaman ko ang pagkukulang ko bilang babae at bilang isang asawa. Hindi man ako hinhnapan ng asawa ko ng anak, at kahit paulit ulit nyang sinsabi na mahal nya pa din ako may anak man kami o wala, naiinggit pa din ako sa inyo mga mommies, honestly saying. Sobrng inggit ako. At di ko talaga mapigilan na madissapoint sa sarili ko. Pabalik na sna ko ulit sa ob para mgpcheckup ulit this week pero bigla naman ako nagkaroon ulit ngayon. Ayoko na makipglaban sa plano sakin ni Lord. Ayoko na syang kwestyunin. Ayoko na syang sumbatan. Ttnggapin ko na kung hindi talaga ako magkakaananak. And i guess leaving this app will help me helped myself to heal at mas mkpagisip isip sa mga bagay bagay. Thankyou sa inyong lahat mga mommies! Hnggang sa muli.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

..ako naniniwala ako don sa kapag hinihintay mo di darating, pero pag hinayaan mo lng na dumating sayo kusa na lng sya mapapasayo, almost 5yrs.din hinintay namin ni partner ko nung tym na sumusuko na ko, nasstress na ako mas lalong nagiging malabo na mbuntis ako dahil naging irregular pa mens ko, akala ko nga mg pcos ako or something..but my partner said "pabayaan mo nga kase, kusa nlng yan ibibigay satin ng dyos, sa tamang oras o panahon,wag kang magmadali" den yun natauhan ako, kea hinayaan ko nlng, tinuon ko nlng sa trabaho, months past by..and mismong quarantine days pa i found out that waahh im pregnant.. and super unexpected tlga sya coz my 1st pT negative den 2mons.delay nagpT ulit ako, parang cnsav ng utak ko na bilis magpT ka mgpT ka..den binabalewala ko lng dhil sav ko negative ulit yan but im wrong..nagpositive na sya inulit ko twice and still positive den nagpatrans v ako for confirmation 6weeks and 6days n sya with hb na..and now turning 5mons.preggy na ako..kea think positive lng po at mahilig po ata mgsurprice ang dyos..ibibigay nya nlng yun sayo unexpected..😊 tiwala lng po..

Magbasa pa