I guess it's goodbye
Hi mga mommies.. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na sumagot sa mga posts ko, sa mga advise, suggestions and everything under the sun. Maaaring yung iba sa inyo ay familiar na sakin dahil sa mga posts ko na nakakalito. At hindi ko naman kayo masisisi. Masaya ako and na nging member ako ng TAP and in a span of 2 months lang, naging VIP member na agad ako. Pang 3months ko plang ngayon. At in that short period of time, masasabi kong mdami akong natutunan at natututunan pa, lalo na at trying to conceive ako for a very long time. Masaya akong nagbbasa ng mga advises and comments ng ibng mommies sa mga fellow mommies din nila. At lalo na masaya ako kapag nakakakita ng mga babies and preggy mommies. Bakit ko sinasabi to? Well... Ok i admit..,may pinagdadaanan ako ngayon. And hindi mdali para sakin na magdeactivate or magleave or iremove ang app na to. Alam ng Dyos na gustung gusto na naming magkababy na magasawa at hindi na mabilang ang iniiyak ko at ang lungkot at pagkadepress na pingdaanan ko sa twing buwan buwan na nagkakaroon ako. At hbng nakakakita ako ng mga babies dito, or kahit picture lang ng positive pt or picture ng ultrasound, mas nrrmdaman ko ang pagkukulang ko bilang babae at bilang isang asawa. Hindi man ako hinhnapan ng asawa ko ng anak, at kahit paulit ulit nyang sinsabi na mahal nya pa din ako may anak man kami o wala, naiinggit pa din ako sa inyo mga mommies, honestly saying. Sobrng inggit ako. At di ko talaga mapigilan na madissapoint sa sarili ko. Pabalik na sna ko ulit sa ob para mgpcheckup ulit this week pero bigla naman ako nagkaroon ulit ngayon. Ayoko na makipglaban sa plano sakin ni Lord. Ayoko na syang kwestyunin. Ayoko na syang sumbatan. Ttnggapin ko na kung hindi talaga ako magkakaananak. And i guess leaving this app will help me helped myself to heal at mas mkpagisip isip sa mga bagay bagay. Thankyou sa inyong lahat mga mommies! Hnggang sa muli.
Preggers