βœ•

I guess it's goodbye

Hi mga mommies.. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na sumagot sa mga posts ko, sa mga advise, suggestions and everything under the sun. Maaaring yung iba sa inyo ay familiar na sakin dahil sa mga posts ko na nakakalito. At hindi ko naman kayo masisisi. Masaya ako and na nging member ako ng TAP and in a span of 2 months lang, naging VIP member na agad ako. Pang 3months ko plang ngayon. At in that short period of time, masasabi kong mdami akong natutunan at natututunan pa, lalo na at trying to conceive ako for a very long time. Masaya akong nagbbasa ng mga advises and comments ng ibng mommies sa mga fellow mommies din nila. At lalo na masaya ako kapag nakakakita ng mga babies and preggy mommies. Bakit ko sinasabi to? Well... Ok i admit..,may pinagdadaanan ako ngayon. And hindi mdali para sakin na magdeactivate or magleave or iremove ang app na to. Alam ng Dyos na gustung gusto na naming magkababy na magasawa at hindi na mabilang ang iniiyak ko at ang lungkot at pagkadepress na pingdaanan ko sa twing buwan buwan na nagkakaroon ako. At hbng nakakakita ako ng mga babies dito, or kahit picture lang ng positive pt or picture ng ultrasound, mas nrrmdaman ko ang pagkukulang ko bilang babae at bilang isang asawa. Hindi man ako hinhnapan ng asawa ko ng anak, at kahit paulit ulit nyang sinsabi na mahal nya pa din ako may anak man kami o wala, naiinggit pa din ako sa inyo mga mommies, honestly saying. Sobrng inggit ako. At di ko talaga mapigilan na madissapoint sa sarili ko. Pabalik na sna ko ulit sa ob para mgpcheckup ulit this week pero bigla naman ako nagkaroon ulit ngayon. Ayoko na makipglaban sa plano sakin ni Lord. Ayoko na syang kwestyunin. Ayoko na syang sumbatan. Ttnggapin ko na kung hindi talaga ako magkakaananak. And i guess leaving this app will help me helped myself to heal at mas mkpagisip isip sa mga bagay bagay. Thankyou sa inyong lahat mga mommies! Hnggang sa muli.

25 Replies

..ako naniniwala ako don sa kapag hinihintay mo di darating, pero pag hinayaan mo lng na dumating sayo kusa na lng sya mapapasayo, almost 5yrs.din hinintay namin ni partner ko nung tym na sumusuko na ko, nasstress na ako mas lalong nagiging malabo na mbuntis ako dahil naging irregular pa mens ko, akala ko nga mg pcos ako or something..but my partner said "pabayaan mo nga kase, kusa nlng yan ibibigay satin ng dyos, sa tamang oras o panahon,wag kang magmadali" den yun natauhan ako, kea hinayaan ko nlng, tinuon ko nlng sa trabaho, months past by..and mismong quarantine days pa i found out that waahh im pregnant.. and super unexpected tlga sya coz my 1st pT negative den 2mons.delay nagpT ulit ako, parang cnsav ng utak ko na bilis magpT ka mgpT ka..den binabalewala ko lng dhil sav ko negative ulit yan but im wrong..nagpositive na sya inulit ko twice and still positive den nagpatrans v ako for confirmation 6weeks and 6days n sya with hb na..and now turning 5mons.preggy na ako..kea think positive lng po at mahilig po ata mgsurprice ang dyos..ibibigay nya nlng yun sayo unexpected..😊 tiwala lng po..

VIP Member

alam mo ba sis gnyang ganyan ako noon .. 27yo lang ako pero natatakot na agad ako na di magkaanak dahil nrin sa meron akong PCOS. pero nung time na tinanggap ko na at ng asawa ko na di na kmi mgkakaanak kc 4-5yrs ndin kami ngsasama kaso wala tlaga. after 1 month tsaka naman nya binigay. naisip ko chinachallenge nya lang cguro tyo tlaga kung hnggang san natin sya kayang paniwalaan .. kung sa tingin nyo po isa ito sa paraan nyo para mag heal ung sugat at hapdi jan sa puso nyo gawin nyo po .. hangad din po namin ang kagalingan nyo. Kung ngsawa na po kayong umasa sana po wag po kayo mgsawang magdasal ng mgdasal at mgpasalamat. take care sis.

VIP Member

Kapit lang sis my husband and i waited 6years before i concieved. my Pcos po ako. I loss my first child at 8 weeks, after 2mons i concieved again to my baby girl lia abdiel 1st trimester muntik sya malaglag, 28weeks i was admitted in the hospital preterm labor, 33weeks ECS apat na araw ko lng nakarga ang anak ko. Sobrang sakit pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw babalik ang mga anak ko and this time healthy na sila. 34 na ako kahit isa wala pa akong nabuhay na anak.

Thank u moms

Super Mum

Hugs to you mommy! πŸ’› I wish you all the best in life and sana ibigay na ni God ang hinihiling ng puso mo. It's sad to see you go but I understand your reason. I know you're happy reading pregnancy and birth stories in the app but at the same time it subconsciously triggers your anxiety and depression inside. Sabi nga ng Psychiatrist ko, iwasan ang lahat na pwedeng makatrigger sa depression ko. πŸ₯Ί Hoping you'll be back soon. I'll be waiting here mommy Karen.

Thankyou po. Sana nga i can fix and heal myself in my own way i know how. I still praying and keep talking to God and hoping na makayanan ko to. Sya na ang nakakaalam kung ano ang lahat ng nsa isip at puso ko. Gusto kong maintndhan kung ano ang gusto nyang ipahiwatig sakin, hindi man ngayon siguro maiintindihan ko but im hoping for that time to come. Kelangan lang siguro talaga na pagdaanan ko to para makuha ko ang sagot sa mga tanong ko at unti unti gumaan din ang pakiramdam ko. Godbless you mommy and i really appreciate your concern.❀

keep your faith po, 11 years po kami ni hubby bago biniyayaan.. 37weeks pregnant na po ako ngayon, wait and pray po.. bibiyayaan din po nya kayo, in God's perfect time😊 share ko lang din po, ganyan na ganyan po yung feeling ko nun.. as in di na po ako umaasa, nagadopt na po kami ng baby girl and 7years old na po sya, isa din po sya sa naging pinaka the best blessing namin😊 kaya fight lang po!

hello sis, okay lang po yan. πŸ™‚ huwag ka po ma disappoint sa sarili mo kung hindi ka pa po nagbubuntis. ang Diyos po ang nakakaalam ng mabuti sa atin. maghintay po na masaya. πŸ™‚ kapag nadede press ka po lalo lang po kayo mahihirapan mag conceive ng baby. kaya tiwala lang po sa nasa taas. πŸ˜ŠπŸ‘†

VIP Member

naiintindihan kita sa pinagdadaanan mo kung sa palagay mo ang pagleave mo sa app na eto maka2tulong na maging ok ka go po...pero once ik kana wag ka magdalawang isip na bumalik. i will pray n pakinggan ni papa god prayers nyo mag asawa n magkaanak na.

Thankyou po mommy. Godbless your family. Kelangan ko lang muna talaga sigurong pagdaanan ito and fix myself in the best way i know how. Ang pagpapagaling sa sarili ay nagsisimula din sa sarili, hindi po ba? I'm already dealing with mild depression at para magawa kong malabanan to, siguro i need to stay away muna sa mga bagay na alam kong mas mkkpagparamdam sakin ng kalungkutan at kakulangan. Mahirap mang pagdaanan to pero looking forward pa din ako sa positive sa huli. Godbless you!

All the best para sayo and sana, in God’s perfect time, bigyan ka na nya ng blessing. Baka masyado kang stressed ngayon at hindi ready ang katawan mo to conceive kaya nahihirapan ka. Don’t lose hope, it will happen soon. πŸ™

sis kapit Lang kami 9 years namin hinintay Ang blessing namin dumating sa sa Hindi inaasahang pangyayari na sobrang depress ko Alam Ni Lord kailangan ko itong baby na Ito ...wag ka mawalan ng pag asa

may dahilan ang lahat mommy. be strong always. be happy pa din darating din ang araw na iggrant ni Lord ang mga gusto natin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles