Hi mga mommies, gusto ko lang mag share nang nararamdaman ko ngayun. Single mom ako and 5 Months na mula nung nanganak ako. Habang palaki nang palaki ang baby ko, ang dami tumatakbo sa isipan ko kung paano ko siya maitataguyod mag isa. Kung saan ako kukuha nang pambili nang gatas sa mga susunod na linggo lalo ngayung may pandemic walang trabaho. Napapaisip ako palagi kung paano ako magiging Nanay ,kung paano ko panlalabanan yung mga gumugulo sa isip ko. Tapos lagi pa pinapamukha sakin nang nanay at kapatid ko na mali yung ginagawa kong pag aalaga sa baby ko ?
Sa tuwing iiyak baby ko kasi gutum na gutum siya pag gising niya tapos sasabihin pa nila bakit daw hindi ko pinapadede,ginugutom ko daw yung anak ko. Sa tuwing may gagawin akong acitivity para magimprove si baby. Pinupuna din nila. Kada kilos ko pinupuna nila. Naisip ko dahil ba single Mom ako iniisip nila na wala akong alam? Na porke nagkamali ako dati, ay mali na lahat nang ginagawa ko pati sa anak ko?. Ang babaw nang tingin ko sa sarili ko ngayon, kasi lahat nalang nang gawin ko mali. Pati yung pag gaya ko sa mga nauusong No bake cake, pinupuna din nila. Hindi ko alam kung saan ako lulugar ?
Nasa pospartum stage pako at ang sakit kasi kasama ko nga sila sa bahay pero feeling ko nag iisa ako. Diko sila masabihan nung saloobin ko ,yung nararamdaman kong lungkot ngayon kasi inuunahan nila nang negative comments. Hindi ko na alam gagawin ko. Ang hirap?