left side or right side
Hi mga mommies. First time mom here and I'm five months pregnant. Sino dito katulad ko na di mapakali sa pagtulog? Sabi nila left side dapat matulog kapag preggy kasi madaming benefits na maitutulong kay baby pero mas sanay ako sa right side. Kayo po? Anong side kayo pag natutulog? :)
Ako right side ako kumportable kaya dun ako natutulog. Pero pag may chance, nagleleft side din ako kahit papano. Mas okay kasi na nakakatulog and di puyat.
left side is best. maliit palang sinanay ko na na matulog sa left side kaya pag natutulog ako sa right side sipa dito sipa duon parang galit lang hahaha
Ako prang ayaw ni baby pa leftside kc everytime na hihiga ako pa left side sipa sya ng sipa..malikot sya sa loob pag nka left ako..
Left side nung preggy pa ko, para maganda circulation ng blood pero pag ngalay nako tsaka ako lumilipat pa right side
Depende ako Mamsh kung san minsan komportable pero more on kaliwang side dahil may benefits nga daw kay baby. 😊
same tayo. hirap ako makatulog sa left. right side tlga ako kumportable, alternate mo lang masasanay ka din.😊
Sis maglagay ka nang unan sa pwet tas tanday pa between ur legs para comfortable ka ganyan ginagawa ko effective
Sa left side po mas ok. Sanay din ako sa right pero masasanay ka din naman po eventually pag lage sa left.
same tayo momsh hirap naq matulog 2days na.. minsan mas ok sakin tihaya pero sinasanay qna left side..
Ako dati nakatihaya! 😂 dun kasi ako komportable. Nagkakaheart burn ako kapag nakatgilid. Hahaha