Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin πŸ˜” Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos πŸ˜”

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napapasana all na lang ako sa inyo mga mommies. Author here. Sadly 1 month na siguro nakalipas. Walang change samin ni hubby. Mag tatry ako mag open up pero wala deadma. Ngayon gipit ako sa budget dahil pati pambaon nya sakin nya na hinihingi di ko man sinasabi direvtly na kulang na ang budget minemake sure ko na nakikita nya. Halos almusal ko hindi na ko makabili naawa ko sa sarili ko kasi parang nanlilimos ako. Kahit sa bpo ako nagtatrabaho maliit po ang sweldo ko chat support lang ako at kaka 1year lang sa company. Pilit kong pinagkakasya lahat para sa anak ko. Ngayon nakikitira pa kami sa magulang ko. Sinabihan na sya ng tatay ko na magpatayo na kami ng bahay dahil may lupa naman kami abaaaa ang gusto ata ay 5k lang sakanya at sakin na 25k (30k budget para sa kubo kubo na gagawin) dahil may paglalaanan daw sya ng 13th month nya. Kahit alam ko naman na sa nanay nya lang ibibigay yun! Opo alam ko na di masama magbigay sa magulang kaya lang may kapatid sya ma dun nakatira sa kanila. Hindi nakikishare sa bayad ng upa samantalang sya na nanditio samin maybshre pa sya dun. Pati yata budget ng anak ng ate nya sya nagbibigay jusko po. Tapos ang ate nya ayun bili bili lang ng alahas ng aircon pero putangina sorry sa mura mga anak nya di maintindi. Kupal. Healthy po ang mama nya at papa nya maybyrabaho. Di ko alam dahil may pagma mukhang pera ang mama nya. Masama man pakinggan pero ayun ang totoo. Di ko alam kung ako ang may mali o silang mag kakamag anak ang may problema Kaya sana sa iba dyan na makakabasa neto sana pagisipan nyo maigi bago kayo magpakasal. Eto palang gusto ko na sumuko dahil putangina ang sakit sa dibdib para kong mababaliw para kong pulubi na nanghihingi na dapat naman hindi. Hindi lang pera ang involved pati tiwala na ququestion. Oo may sama ko ng loob sa Mil fil sil kahit ano pang tawag sa in laws na yan dahil pakiramdam ko sila may kagagawan kung bakit naging ganto. Dahil in the first place kung hidni sila umaasa sa asawa ko at di nila inoobliga hindi mabuburo yung isa. Salamat po!

Magbasa pa
Related Articles