Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin 😔 Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos 😔

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nasa paguusap nyo po yan kung anu po ung napagkasunduan nyo po .. pero since sumasama ang loob mo , which is normal naman talaga n sasama ang loob mo kung ndi ka kasali sa budget nya lalo pat kasal kau khit pa may trabaho ka .. bat ndi mo cya tanungin mommy kung asan ka sa budget nya ?! ibig bang sabihin nean kinasal lang kau pero obligasyon mong buhayin magisa ang sarili mu ?! anu ka tao taohan lang sa bahay ?! pinakasalan ka nya kaya obligasyon ka na din nya dapat .. ndi naman msama magbigay sa magulang pero dapat mas priority nya na kau at ung future nyo lalo nat may anak kau .. better na kausapin mu cya mommy ..

Magbasa pa
Related Articles